Chapter 16 (Chasing)

1211 Words
Third person's POV Chasing Napahigpit ang hawak ni Kian sa 2mm Kolibri na baril na hawak nya. Galit sya at ni isa ay walang makapagpahinahon sa kanya. "I will kill him." seryoso at paulit-ulit na sambit ni Kian habang paulit ulit na nag iigtingan ang kanyang panga. Halos mapunit na nya ang lukot na picture ni Cheya na nasa sasakyan ni Migs na kuha kani-kanina lang. "Gusto mo boss kami na lang ang gumawa? Pupuruhan namin yon---" Bang! Wala pang segundo ng bumagsak ang lalakeng nagsalita. Walang emosyong binalingan ni Kian ang binaril nya na ngayon ay wala ng buhay. "Not now moron" bulong nya "For now, get her. I just need to punish her. Badly" napangisi sya sa ideyang pumasok sa isip nya. He's mad. And he badly need's her, alone. And no one can stop him. 'You're mine woman. Only mine.' Cheya Santia "What the hell?! What's your problem asshole?!" galit na sigaw ko sa katabi ko. Putspa naman kasi, ambilis magpatakbo kala mo nasa racing at mag isa lang sya! "Please lessen your speed. Kung gusto mong magpakamatay pwes wag kang mandamay! Oo nga't sobrang dami kong problema pero wala akong balak na mamatay agad! Oo tatakas ako pero hindi pang habang buhay! Tang*na! Sabing bagalan mo lang ih! Ano ba?!---" "May humahabol satin" napahinto ako sa pagsigaw at agad akong napakurap-kurap. W-what the f*cking hell?! Eto na ba yon? E-eto na ba ang mga kaaway ni Kian? Gaya ba to ng mga napapanood ko sa TV? Ganitong-ganito yun ih! Yung sa mga w*****d! Yung babaeng asawa yung papatayin ng mga kaaway para mapilayan yung bidang lalake! Jusko! Mamamatay na ba ako?! Partida! Di pa kami kasal neto ha! Baka naman may pinagkakautangan yung lalakeng yun at sakin babawi yung kaaway nya! The hell! A-Ayoko! Ayoko pang mamatay! Jusko! Napahawak ako sa ulo ko. Mababaliw na nga ata ako, kaylangan kong makapag isip ng kahit anong paraan--- "Waaaaah! Ano ba?!" Halos atakihin ako sa puso dahil sa biglaang preno netong katabi ko. Jusko! Omyghad! Ngayon ko lang na appreciate sa tanang buhay ko ang salitang 'Fasten your seatbelt' Kasabay ng paghinto ng sasakyan namin ay syang paghinto ng mga sasakyan sa harap at sa likod namin. Shems, mas malala pa kami sa kriminal kung kornerin nila ih. "F*ck!" napapikit ako sa biglaang paghampas ni Migs sa manibela. Agaw spotlight amp. Ako dapat tong galit na galit ih. Sya ba yung ikakasal sa lalakeng yon?! "Baba!" rinig naming utos ng isang lalake mula sa labas. Agad akong napatingin kay Migs. Natataranta ako! "A-ano... Ano ng gagawin naten?" kinakabahang tanong ko sa kanya. I'm scared. Ni hindi ko nga alam kung sino yang mga yan ih. Pano kung sindikato pala yang mga yan at kami lang dalawa ni Migs ang napagtripan? "Baba sabi eh!" sigaw ulit mula sa labas. Lah sya? Ang atat amp. Sarap pektusan yung ngala-ngala nun ha. Shete! Kinakabahan ako! Napakuyom ang kamao ko dahil sa kabang nararamdaman ko. "Migs! The hell! Anong gagawin naten dito ngayon?! Wag mo sabihing dito na tayo mamamatay?!" sigaw ko ulit sa kanya pero nanatili lang syang seryoso habang matatalim ang tingin sa manibela. "Magbibilang ako hanggang tatlo at sinisiguro kong hindi nyo magugustuhan pag pinaabot nyo pa yon ng tatlo!" sigaw muli ng nasa labas. Agad kong sinapak ang braso ni Migs dahilan para mapatingin sya sakin. Finally! "Puny*ta Migs! Panindigan mo kong hay*p ka! Kinuha kuha mo ko mula sa school at inatak papunta dito! Kasalanan mo tong hay*p ka! Ayoko pang mamatay! Jusko mauna ka please! Bumaba ka don tas isacrifice mo yung buhay mo para sakin! Dalian mo! Sh*t!" mangiyak ngiyak na sigaw ko sa kanya. Jusko! Handa dapat syang mamatay para sakin! Sya nag dala sakin dito ih! Waaah! Yoko pa mamatay! "Isa!" "Waaah! Migs swear! Mumultuhin kita pag pinatay nila ako! Panget ako pag naging multo ako! Bala ka ikaw din!" "Dalawa!" "Sh*t! Migs may tanong ako" agad naman syang napalingon sakin habang nakakunot noo "May namatay naba sa isang suntok lang?" kinakabahang tanong ko. Agad nagsalubong ang dalawang kilay nya. "What?" "T*ngina ganito kasi yon, kung mamamatay lang din naman ako, gusto ko isang suntok lang. Jusko! Baka gaya to ng mga nababasa ko na papahirapan muna nila bago nila patayin!" agad nanlaki ang mga mata ko sa naisip ko kasabay non ang biglaan kong pagyakap sa sarili ko "Sh*t! P-pano kung---" Di ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang umepal tong katabi ko. "F*ck Cheya. Your mind and your f*cking imagination." napanguso naman ako sa sinabi nya. "Hindi yon imagination, mga possibilities tawag don!" "Mga tauhan yan ni Kian" Halos manigas ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang sinabi nya. Kasabay non ang biglaang pagbasag ng bintana sa tabi ni Migs. "Ahh!" sigaw ko dahil sa pinaghalong gulat at takot. Ano bang kinatatakutan ko? Ang katotohanang nasa ganito akong posisyon ngayon? O ang katotohanang mas napapalapit ako kay Kian? Nagsisimula na sya. Kumikilos na sya. Wala kaming nagawa ng simulan nilang hatakin si Migs palabas gaya ng pag hatak nila sakin. Paglabas na paglabas ay sunod-sunod na suntok ang ginawa nila kay Migs. Bakit di sya lumalaban? Anong problema ng lalakeng to? Unang kita ko pa lang sa kanya nung nagkabanggaan kami sa first day of school ko ay alam ko ng may ibubuga sya pagdating sa angasan at labanan dahil nakikita ko si Kian sa kanya. Pero nagkamali lang ba ako? Hindi ba sya gaya ng inaasahan ko? Kung ganon di nya ko matutulungan. Ang malala ay nandamay pa ko sa problema na namamagitan saming dalawa ni Kian. Dinamay ko pa ang inosenteng si Migs. Mali to. Pumikit ako at huminga ng malalim. Eto ang gusto nya, pwes makikisabay muna ako. Wala akong laban. Para san pa ang pagtakas kung napakaraming inosenteng tao naman ang pwede kong madamay. Napatingin ako kay Migs. 'Thankyou' kahit wala kang naiambag sa buhay ko. Akmang susuntukin ulit sya ng isang lalake pero agad akong sumigaw dahilan para mapahinto sila sa mga binabalak nila. "Stop! S-stop please..." nanghihinang sambit ko. Matalim naman akong tinignan ni Migs. "Cheya, back off" seryosong sambit nya na parang sinasabi na hindi ko na talaga kaylangang mangialam. Pero tang*na nya! Bugbog sarado na sya tas tingin nya kakayanin kong manood na lang?! Alam ko ang mga kakayanan ni Kian. Kilala ko sya. Kung sya nga ang may kagagawan neto, pwes may mas lalala pa dito. Sa mga nagdaang panahon na nakilala ko si Kian at ang pamilya nya, isa lang ang masasabi ko. Masamang kalabanin sila, kung ayaw mo pang mamatay at masira ang buhay mo, pwes wag mo ng subukan. Baliw sya... Baliw na sya... "No Migs, that's enough. Hindi ko alam kung bat mo ko tinutulungan. Hindi ko alam kung kilala mo ba talaga ako at kilala mo si Kian. Pero tama na, masyado ka ng napapalapit sa problema ko. Hindi mo gugustuhin kung makakapasok ka pa sa buhay ko. Sa napakagulo kong buhay, kaya hanggat maaari, lumayo ka na. Simulan mo ng talikuran ako at kalimutan mo na lang ang nangyare ngayon." Sunod ko namang tinignan ang leader ng mga tauhan na to, yung lalakeng kanina pa sigaw ng sigaw. "That's enough. Iwan at pabayaaan na lang natin sya dito. Please, sasama na ko." Nagmamakaawang sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD