Kiss Cheya Santia "You sure? Gusto mo ipaalam na lang kita sa kanila tas ako na rin maghahatid sayo?" napatingin ako kay Migs na katabi ko ngayon habang nag dadrive sya. Kanina nya pa ko pinipilit na wag ng sumama sa party para sa birthday ni Sanya na gaganapin sa bar na pagmamay ari ni Esquivel. Pero syempre di naman pwedeng hindi ako umattend don lalo na at nandun na si Trimms. Mamaya wala don si Kalix at walang magbantay sa babaeng yon. Baka uminom yon, delikads para kay baby. Nabasa ko pa naman na pwede kang makunan if ever na uminom ka ng alak, I mean yung sobra. I don't know. Wala pa naman akong balak magbuntis. "Ano ba Migs? Wag ka ngang oa jan. Minsan lang naman ih" umay na sambit ko sa kanya. Napatingin ako sa ilong nya. "Why? Cheya, I'm just worried. Kakasabi mo lang kani

