Kabanata 8
It has been exactly 1 week and 5 days since I'm avoiding Lawrence.
Matapos ang araw ng may nangyari sa amin sa loob ng locker room ng basketball team ay iniwasan ko na talaga siya. Alam kong mali....Alam kong sobrang mali na pumayag pa ako na may mangyari muna sa amin bago ko pa tuluyang itigil ang lahat. Aaminin kong ginusto ko ring mangyari 'yon at pinagbigyan ko lang ang aking sarili kahit na sa huling pagkakataon na maranasan ko 'yon kasama siya.
Hindi naging madali ang ginawa kong pag-iwas sa kanya. Kinailangan ko pang gumising ng maagang-maaga para lang hindi niya ako maabutan dito sa bahay at para hindi maihatid sa school. Kinailangan ko ring magpalate ng uwi palagi tuwing hapon para hindi niya ako makita at para hindi rin maihatid pauwi.
Nitong mga nakaraang araw din ay sa bintana siya sumusubok para makausap ako pero hindi ko siya pinagbubuksan. I pretended to be asleep every time he does that, and sometimes I just go to my brother's room to sleep there. Maging sa mga texts and calls niya sa'kin ay hindi ko nirereplyan at sinasagot. I even deactivated all of my social media accounts to completely avoid him.
Napapakinggan ko rin na tinatawagan niya si Yaya Minda para icheck ang aking kalagayan pero umiiwas rin kaagad ako kay Yaya kapag alam kong kakausapin na niya ako para ibigay sa'kin ang phone niya.
Hindi madali 'tong ginagawa ko pero ito ang kailangan, dapat at ang tama. Ayoko nang dagdagan at palalain pa ang kasalanan naming dalawa. Mas mabuti nang matigil 'to ng mas maaga kaysa tumagal, lumalim at makarating pa sa buong pamilya namin.
Today is Friday and it is our last day here in school because of the sembreak. Kakapasa ko pa lang ng test paper ko at nandito ako sa labas ng classroom namin para hintayin sina Nikki at Nhya na nag-eexam pa rin sa loob.
"Sana naman dalian nila ng pagsagot dahil baka maabutan ako dito ni Lawrence..." Pagkausap ko sa aking sarili.
Para hindi ako mainip sa aking paghihintay ay kinuha ko na lang muna ang phone ko sa aking bag. Mag-iiscroll pa lang sana ako ng may bigla na lang humablot ng aking braso, at ng sulyapan ko kung sino ito ay si Lawrence na seryosong-seryoso ang bumungad sa akin.
Sh*t! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh! Ang tagal kasi nina Nikki at Nhya! Sana pala hindi ko na lang sila pinagbigyan na makasabay nila ako pauwi! Sana pala nauna na lang ako!
Mygad! Paano na 'to?!
"Ano ba Lawrence?! Saan mo ba 'ko dadalhin ha?! Let me go!" Pagpupumiglas ko sa kanyang mahigpit na pagkakahawak sa akin ngunit hindi niya man lang ako pinansin at mas binilisan pa ang paglalakad. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyanteng nadadaanan namin at buti na lang talaga at kokonti lang sila dahil ang iba nga ay nasa loob pa ng kani-kanilang mga classroom at hindi pa tapos mag-exam.
"Lawrence ano ba?!" Singhal ko sa kanya. Nagsisimula na rin akong mainis dahil sa higpit ng pagkakawahak niya sa'kin pati na rin sa hindi niya pagpansin sa mga tanong.
"Shut up, Garnet Monique!" Sigaw naman niya sa akin.
Nanahimik na lang ako habang halos umusok na ang aking ilong sa pagkairita at nagpadala na rin ako sa kanyang paghila hanggang sa makarating na kami sa tapat ng kanyang kotse.
"Get in." Madiing utos niya sa akin habang nagtitiim na ang bagang.
"No!" Pagtutol ko at sinubukan ko pang ulit magpumiglas ngunit mas lalo lang humihigpit ang hawak niya sa akin.
"What do you want Garnet Monique?! Magkukusa kang pumasok sa loob o makikita ng ibang estudyante dito kung paano kita sapilitang ipasok diyan sa loob?! You choose!" Nanggagalaiting bulyaw nito sa akin.
Sinamaan ko muna siya ng tingin bago ako padabog na pumasok sa loob ng kanyang sasakyan. Dali-dali din naman siyang sumunod ng masiguradong hindi na ako makakatakas pa.
Magpasalamat talaga siya na medyo marami ang mga estudyante ngayon sa parking lot at kung hindi ay baka kanina pa ako tumakas mula sa kanya!
Pinanatili ko na lang ang aking buong atensyon sa harapan kahit na ang totoo ay kanina pa ako nilulukob ng kaba at takot. Damang-dama ko kasi ang galit sa'kin ni Lawrence eh. At sino nga ba naman ang hindi magagalit kapag ginost ka ng isang tao? Hindi ba amrami? Kaya marapat lang nga na magalit siya sa akin ngayon, pero sana naman maintindihan niya na nagawa ko lang 'yon para sa buong pamilya namin at para sa ikakabuti naming dalawa.
"Your hide-and-seek game is over, Garnet Monique." Mas madiin pa rin niyang pahayag na mas lalong nagpakaba at nagpatakot sa akin.
Nanatili na lang akong tahimik, hindi pa rin siya nililingon kahit na gustong-gustong ko na siyang makita ulit ng malapitan at mahawakan dahil sa ilang araw na ring naming hindi pagkikita.
I heard his heavy sigh, mukhang nagpapakalma ng kanyang sarili.
"G, why are you avoiding me?" Malambing na tanong na niya sa akin ngayon pero ramdam ko rin mula doon ang frustation.
Hindi pa rin maiwasan na bumilos ang t***k ng aking puso ng dahil sa kanya. Magdadalawang linggo ko na siyang iniiwasan pero ganoon pa rin ang nararamdaman ko, nandito pa rin....at mukhang mas lalong lumala pa dahil sa ilang araw na hindi ko siya nakasama.
Hindi ko pa rin siya pinansin. Pinanatili ko pa rin ang aking buong atensyon sa harapan kung saan dumadaan ang mga estudyante. Buti na lang talaga at tinted 'tong kotse ni Lawrence kaya hindi nila kami nakikita mula dito sa loob.
"Talk to me baby...please." He pleaded while reaching for my hand now and I just let him do that.
Huminga muna ako ng malim bago ko siya tuluyang pansinin.
"Let's end this, Lawrence! Mali 'to! Maling-mali! Magpinsan tayo!" Mahinahon kong pakiusap sa kanya.
"No baby! We won't stop this! Don't say that please!" Taranta na niya ngayon habang hawak-hawak na ng mahigpit ang dalawa kong kamay kaya tuluyan na akong napaharap sa pwesto niya.
"Please Lawrence, hangga't maaga pa at hangga't hindi pa ganoon kalalim, tigilan na natin, tigilan natin 'to. Ayokong madisappoint ang family natin kapag nalaman nila ang tungkol dito!"
"Anong hangga't hindi pa ganoon kalalim?! Baby, I like you since we were kids! I always dream of you...of us!" He said while starting to have a bloodshot eye.
"Palibhasa kasi madali lang para sa'yo na tapusin 'to!" Dagdag pa niya sabay hampas ng malakas sa manibela na nakapagpagulat sa akin. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang reaksyon niya.
Bigla akong may naramdamang kirot sa aking puso dahil sa sinabi niyang 'yon.
"Anong madali ang pinagsasabi mo, Lawrence ha?! Akala mo ba talaga madali 'to para sa'kin?! Hindi! Hindi rin 'to madali sa'kin, pero ito ang kailangan nating gawin dahil kasalanan 'to sa mata ng Diyos kahit gaano pa kalalim ang nararamdaman natin para sa isa't-isa! Baliwala pa rin 'yon dahil pamilya mismo natin ang makakalaban natin dito kapag nalaman nila 'to! Let's face it, Lawrence! Let's face the reality na magpinsan tayo! Na hindi talaga tayo pwede at kailanman ay hindi magiging pwede!" Singhal ko pabalik sa kanya habang nagsisimula nang mangilid ang aking mga luha katulad ng sa kanya.
Ngayon ko lang din narealize na noon pa man ay may nararamdaman na rin ako para sa kanya. Hindi ko nga lang masyadong pinapansin noon dahil wala pa sa isip ko ang mga ganoong bagay.
Yung sayang nararamdaman ko tuwing kasama ko siya simula ng mga bata pa kami, yung pagiging overprotective at sweet niya sa akin, yung palagi niyang pagtatanggol, yung paghatid at sundo niya, at yung paghihintay niya sa akin ng matagal lalo na kapag may practice ako ng sayaw or volleyball, doon pala nagsimula ang lahat ng nararamdaman namin para sa isa't-isa.
I admire Lawrence for being strong in keeping his feelings for me all those years all by himself. Alam kong pilit niya ring nilabanan ang nararamdaman niya para sa akin kaso nga lang hindi niya talaga kinaya at ngayon, dalawa na kaming lalaban. Hindi lalaban ng magkasama para mas patibayin ang nararamdaman kung hindi, lalabanan ang nararamdaman sa bawat isa para maitigil na ng tuluyan dahil ang mga ito ay maaaring magdulot ng gulo sa aming buong pamilya.
Mas lalo naman siyang lumapit sa akin at mas hinigpitan pa ang hawak sa aking mga kamay habang nagbabadya ng tumulo ang kanyang mga luha.
"Baby...we can do this. We can do this if we are together....Let's fight together, please. Pangako, pagbubutihin ko ang pagtatago. Gagawin ko ang lahat para walang makaalam...Just trust me, baby...just trust me with this...." Nagmamakaawa pa ring pakiusap niya sa akin.
Napailing kaagad ako habang pinipigilan ang pagbagsak ng aking mga luha.
Gustohin ko man, Lawrence...Gustuhin ko man pero hindi talaga pwede...Mahal na mahal ko ang pamilya natin at ayaw kong masira ang pamilyang mayroon tayo nang dahil lang sa ating dalawa.
"Lawrence mali nga 'to! We're cousins! Kaya please....please itigil na natin 'to...Itigil mo na 'to...huwag mo nang ipagpilitan pa at ipaglaban dahil wala na...ayaw ko nang ituloy 'to...wala nang pag-asa para magkaroon pa ng 'tayo'..." Pagsusumamo ko na sa kanya kasabay ng pagtulo ng aking mga luha na kaninang-kanina ko pa pinipigilan.
Ganito pala ang pakiramdam kapag ayaw mong itigil ang isang bagay na gustong-gusto mo pero kailangan, 'no? Sobrang sakit na parang paulit-ulit binibiak ang aking puso...
Dahan-dahan niyang binitawan ang aking mga kamay at nanghihina siyang napasandal sa kanyang upuan. Nakatingala lang siya habang kinukusot ang kanyang mga mata. Ako nama'y pinapanuod lang ang bawat galaw niya habang patuloy lang sa pag-agos ng aking mga luha.
"I-Is this really what you want, baby?" Nanghihina niyang tanong habang nakatingala pa rin.
Hindi ako nakaimik at lalo lang napaiyak.
Bakit ba nangyayari samin 'to?!
"Answer me, please. Is this really what you want?" Ulit niya sa kanyang tanong at pansin ko mula doon ang hirap at sakit na pareho naming nararamdaman ngayon.
Tumango lang ako bilang sagot, hindi kayang lumabas mismo sa aking bibig ang mga salitang hindi ko naman talaga gustong sundi namin pero kailangan naming gawin.
"Say it, baby." Nanghihinang utos niya sa akin habang nakatingin na sa aking mga mata. Kitang-kita ko mula doon ang pagod at sakit.
"Y-yes. T-this is really what I want...to stop this....to stop what's going on between u-us." Humihikbing sagot ko sa kanya.
Pumikit siya at napatingala na naman na para bang pinipigilan ang nararamdamang sakit.
Huminga muna siya ng malalim at muling tumingin sa akin.
Mas lalo akong nasaktan ng makita ang nagbabadya niyang mga luha.
"Okay....If that's what you really want and if that's what will make you happy....then let's end this." Nahihirapang niyang sagot at halos mabasag na ang boses.
Nakatingin lamang ako sa kanya habang umiiyak.
Tang*na! Bakit ganito?! Bakit ang sakit?!Tama naman na tapusin na namin lahat pero bakit naman ganito kasakit?!
"Just let me drive you home...for the last time." He whispered and I just nodded.
Nakasandal lang ako sa upuan buong byahe pauwi habang nakapikit, iniisip pa rin ang lahat ng nangyari. Siguro kong pareho lang kaming selfish na dalawa ni Lawrence, matagal na sana kaming nagtago at nagsamang dalawa malayo sa buong pamilya namin at malayo sa mapanghusgang mundong 'to pero hindi eh, sobra-sobra kasi ang pagmamahal namin sa kanila para gawin 'yon.
"We're here." Pag-imporma niya sa akin kasabay ang pagmulat ng aking mga mata.
Nilingon ko siya at maliit na nginitian. Pakiramdam ko ay namamaga na ngayon ang aking mga mata dahil sa pag-iyak.
"T-thank you."
Akmang bubuksan ko na ang pinto ng mapatigil ako ng hawakan niya ako sa aking braso kaya napalingon ulit ako sa kanya.
"I need to avoid you for now so that I will be able to forget and stop this feeling towards you." He whispered.
Yun naman talaga ang desisyon ko hindi ba? Yun naman talaga 'di ba? Ang itigil kung ano man ang namamagitan sa amin pero bakit ganoon? Bakit ganito talaga kasakit?!
Dahan-dahan na lang ako tumango. Unti-unti naman siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa aking magkabilang baywang sabay buhat sa akin paupo ng paharap sa kanyang kandungan.
"Take good care of yourself always, okay? Manghingi ka ng tulong sa ibang tao kapag hindi mo na kaya at kapag kailangan mo ng makakusap. Huwag mong sarilinin lahat." Nanghihina niyang paalala sa akin habang pinupunasan na ang aking mga luha.
Tumango na lang ako sa kanya, hindi na kayang makapagsalita muli dahil sa wala nang humpay na pag-agos ng aking mga luha.
Mas lalo naman niya akong hinapit palapit sa kanya hanggang sa unti-unti ko nang naramdaman ang paglapat ng aming mga labi.
He's kissing me slowly, na parang ipinaparamdaman niya sa akin mula doon ang sakit na kanyang nararamdaman ngayon dahil sa naging desisyon ko.
His tongue was seeking for an entrance so I immediately open my mouth to let it in. Our tongue is fighting and swirling to each other. Mas pinalalim niya ang aming halikan kaya naman sinabayan ko ang kanyang galaw hanggang sa hingalin at maubusan kami ng hininga.
Ito na ang huling halik... Ito na ang huli...and it hurts like hell!
He rested his forehead to mine. Nakayakap siya sa aking baywang ng mahigpit habang nakasiksik naman ang kanyang mukha sa aking leeg.
"Goodbye for now, Garnet..." Paalam niya at halos mapasinghap ako ng may naramdaman akong basa sa aking balikat.
Umiiyak siya! Umiiyak si Lawrence!
Lalo namang nagsibagsakan ang aking mga luha. Niyakap ko na rin siya pabalik ng mahigpit at matapos ang ilang minuto ay dali-dali akong umalis sa kanyang kandungan. Mabilis rin akong pumasok sa aming bahay at dumiretso sa aking room.
When I got inside my room, I reached for my pillow and cried more.
Napahagulgol na ako at nawalan na rin ako ng pakialam kung may makakarinig man.
Hindi ko na kaya!
Ang sakit! Ang sakit-sakit!
Bakit pa kasi kami naging magpinsan?! Bakit kailangan pa namin 'tong maramdaman kung hindi naman pala kami pwede para sa isa't-isa?! Bakit?! Bakit ha?!
I'm sorry, Lawrence....Sorry kung duwag ako....Sorry kung hindi kita kayang ipaglaban.
Ito ang mas makakabuti para sa ating dalawa at para sa mga mahal natin sa buhay....I'm so sorry, my baby....
I just cried and cried my heart out all night until I finally fall asleep.