Kabanata 35 Mabigat ang aking kalooban ng bumalik ako sa aming table. Parang nagpaulit-ulit sa isipan ko yung salitang 'malandi' na tiim-bagang niyang sinabi sa akin. Bakit kung umasta siya ay parang siya pa ang galit eh siya yung nang-iwan sa aming dalawa?! Di ba ako pa nga dapat ang galit ngayon dahil siya ang nang-iwan sa akin?! Mygad! Alam niyo ba yung gusto mong maiyak dahil sa pinaghalong inis at galit?! Yun ang nararamdaman ko ngayon! Pinipigilan ko lang talagang maiyak dahil ayaw kong makakuha ng atensyon! Nang makalapit ako sa aming table ay kaagad napansin ni Andrei ang pag-iiba ng aking ekspresyon kaya naman dali-dali siyang tumayo at inalalayan akong umupo. "Hey, what happened? What's wrong?" Nag-aalala niyang tanong sa akin pagkatapos niya akong iharap sa kanya. I did

