Angel Maaga akong nagising upang magluto ng aming almusal dahil may hang over pa si Lucinda sa birthday party na dinalohan niya kagabi. Hindi ko na alam kung ano’ng oras siyang nakauwi dahil paggising ko kaninang madaling araw upang magbanyo ay nakita ko na siyang tulog sa kanyang kama na hindi man lang nagpapalit ng kanyang damit. Agad kong sinalang ang kawali at nagpainit ako ng loaf bread sa oven toaster. Nang medyo mainit na ang kawali ay nagprito ako ng dalawang itlog, bacon, at hotdog. Habang naluluto ang bacon ay nagpainit na rin ako ng tubig dahil mahilig uminom ng kape sa umaga si Lucinda. Binuksan ko na rin ang radyo at sakto namang pinapatugtog ang kanta ni Ed Sheeran sa radyo na ‘Shivers.’ Nang maluto ang bacon ay napapasayaw ako sa kanta ni Ed Sheeran. Habang linalagay ko

