Angel Paglabas ko ng aking condo ay tumakbo ako pababa dahil hindi ko mahintay ang elevator. Paglabas ko sa gusali ay napasinghap ako sa aking nakita at halos napatakip ako sa aking bibig dahil hindi ako makapaniwala sa aking nakikita ngayon. Ang sabi ni Lucinda ay pinaghandaan niya pero hindi ko naman akalain na ganito kabongga ang paghahandang ginawa niya. Sa harap ng buong gusali ay may isang napakalaki at mahabang banner ang hinahawakan ng mga kalalakihan at may nakasulat doon ng ‘I’m sorry, Angeline. Please forgive me.’ Sa mismong gitna ay nakatayo si Lucifer na may hawak ng boquet ng bulaklak at totoo nga na kanina pa siya bumabad sa araw dahil pansin ang butil ng kanyang mga pawis. Hindi lang iyon dahil ang daming tao ang kumukuha ngayon ng kanyang picture at iyong iba ay halos

