Chapter 13

2131 Words
Angel “Are you stupid?!” rinig kong sigaw ni Lucifer sa loob at halos mapatakip ako sa aking bibig nang marinig ko ang kanyang sinabi sa babae. “Ang linaw-linaw ng instructions ko ‘di ba? Paanong nangyari na nawala ang sampung million ng basta-basta ha?” Tumayo ako sabay dinikit ko ang aking tenga sa mismong pintuan ng opisina ni Lucifer. Ayokong maging tsismosa pero hindi ko kasi bukod akalain na ganito ka-strikto si Lucifer. Geez. Bagay na bagay sa kanya ang binigay na pangalan ng kanyang mga magulang dahil kasing-init niya ang mga lumalabas na salita sa kanyang bunganga ngayon. “Sir pasensiya na po. Hindi ko po kasi napansin na roon po kasi mapupunta iyong pondo,” rinig kong paliwanag ng babae. “Ms. Gomez, I gave you one last chance last time. You've been working here in my company for almost 1 year now and until now you still don’t know how to do your job well.” Pangaral naman ni Lucifer. “Ano ba’ng hindi mo maintindihan sa sinend ko sa iyong email ha? Nakalagay doon na i-send mo sa Hell Enterprises branch sa London ang pondo pero ano’ng ginawa mo? You send it to the f*****g clothing company sa London!” Napapikit naman ako dahil malaking pera nga naman ang nawala sa kompanya ni Lucifer at kahit siguro ako ay iinit ang ulo ko oras na mangyari iyon. “S-Sir...sorry po...” hinging paumanhin ng babae kanina. “No! Sorry Ms. Gomez but you're fired!” Napapikit ako ng mariin sa aking narinig. “Sir please huwag po. Ito na lang po ang trabaho na meron ako. Nagmamakaawa po ako Sir na bigyan niyo pa po ako ng one last chance,” pakiusap niya. “My decision is final! Leave my office before I call the guards! Out! Now!" Nang marinig ko ito ay dali-dali naman akong umupo pabalik sa sofa at umakto na parang wala akong narinig. Nang paglabas ng babae ay kita ko ang namumugto niyang mga mata at mukhang hindi niya na rin ako napansin dahil sa sakit na kanyang nararamdaman ngayon. Gusto ko siyang aluhin at sabihin na magiging maayos din ang lahat pero hindi ko alam kung bakit hindi ko iyon masabi sa kanya. Nakita kong kinuha ng babae ang kanyang bag at iba pang mga gamit sabay umiiyak na umalis sa kanyang pwesto habang nakasunod naman ako ng tingin sa kanya. Pumasok siya sa elevator hanggang sa nawala na siya sa aking tingin nang mapaigtad na lamang ako sa aking kinauupuan nang makita kong nakatayo sa may pintuan si Lucifer habang nakatingin sa akin. Bigla naman akong napatayo at hindi man lang niya ako binati sabay sinabi sa akin na sumunod na lamang daw ako sa kanya. Sa takot ay gano’n na nga ang ginawa ko at lakad-takbo ang aking ginawa dahil ang lalaki ng mga hakbang niya. Oo na. Alam ko nang mahahaba ang mga legs mo ng parang sa ostrich pero marunong ka namang maghintay noh. Hindi naman ako katulad mo na pinagpala ng mahahabang bulas. Maya-maya ay dumiretso na kaming pumasok sa meeting room yata at mukhang kami na lang ang hinihintay kaya naman naituon lahat ang kanilang atensyon sa amin. Mula sa malayo ay nakita ko ang tatay ni Lucifer at sa kanyang likuran ay walang iba kundi si Lucinda. Bigla naman akong nagtaka kung ano’ng ginagawa niya rito gayong ang sabi niya kagabi ay hindi siya makapupunta sa meeting bukas. Tumikhim si Lucifer at doon ko lang napansin na nakatayo akong parang tanga sa gitna ng daan kaya mabilis akong umupo sa tabi ni Lucifer. Nakita ko namang pinipigilan ni Lucinda ang kanyang ngiti at tinignan siya ng makahulugan na sinasabing bigyan mo ako ng eksplanasyon mamaya. Mukhang nakuha niya naman ang ibig kong sabihin at binigyan niya ako ng thumbs-up. Nagsimula na ang meeting pero natahimik silang lahat nang biglang tumunog ang aking cellphone at dali-dali ko namang sinilent ito at agad na humingi na paumanhin sa kanilang lahat. Nakita kong masamang napatingin sa akin si Lucifer kaya napatango na lamang ako. Itinuloy na nila ang kanilang meeting at wala talaga akong ideya sa aking gagawin dahil wala naman akong maintindihan sa mga pinagsasabi nila. Nasa kalagitnaan na kami ng meeting at pagtingin ko sa orasan ay dalawang oras na pala kaming nandito at medyo nagugutom na rin ako. Pagtingin ko naman kay Lucinda ay abala siyang nagsusulat ng mga importanteng sinasabi nila sa meeting habang pagtingin ko sa aking notes ay gulo-gulo ang mga nandito. Maski ako ay hindi ko na maintindihan ang sarili kong sulat. Paano ba naman puro naka-folder na kasi noon na binibigay ang mga impormasyon ng aking mga target. Ngayon ay kabaligtaran dahil ako ang kailangang magsulat ng mga impormasyon kaya medyo nahihirapan ako. Maya-maya ay may nagpasok ng mga meryenda at mga inumin sabay isa-isa na linapag ito sa ibabaw ng aming mesa. Pagkalapag ng isang mango juice sa lamesa ay napatitig ako rito bigla at nakita ko na parang may natutunaw sa ilalim nito. May dalawang bagay lang naman na maaaring malaman mo kung para saan ito. Una, ito ay maaaring pampatulog o kaya naman pangalawa, ito ay maaaring kumitil ng buhay ng isang tao. Tinignan ko ang bawat juice na nailapag sa ibabaw ng mesa at halos lahat ng mga ito ay may parang natutunaw na kung ano. Nakita ko na akmang kukunin ito ng ama ni Lucifer nang pigilan ko siya. “Tito, please don’t drink that juice.” Agad naman silang nagtaka sa aking sinabi at gano’n din si Lucifer. Kinuha ko mula kay Tito Luther ang mango juice na iinomin niya at binuhos ito sa isang halaman. Nakita ko ang isang tableta na tunaw na at inamoy ito nang malaman na isa itong Cyanide. Lumaki ang aking mga mata at napalingon ako sa mga ibang kalalakihan na nandito sa silid. “Don’t drink the juice!” sigaw ko pero may isa sa kanila na mukhang nainom na ito at bigla siyang kinabahan nang sumigaw ako. “s**t! Call an ambulance, now!” Utos ko sa kung sinuman ang pwedeng tumawag sa ambulansya at mabilis na linapitan ko ang lalaki. Bigla niyang hinawakan ang kanyang dibdib at natumba sa kanyang inuupuan at biglang nagkaroon ng komosyon sa loob ng silid. Mabilis akong nag-perform agad ng CPR sa kanya at hinubaran siya ng damit. Nagpadala ako ng maraming tubig para pahiran ang kanyang balat na nagsisimula nang mamula. “Sir! I already called the ambulance, and they are on their way here,” rinig kong sabi ng isang security guard. “Help Ms. Angeline and give her everything she needs!” sigaw ni Tito Luther. Mabilis naman na lumapit sa akin ang ilang security guard at sinabihan ko sila na pahiran ng maraming tubig ang kanyang balat habang nagpe-perform ako ng CPR. “Come on, come on, come on. Don’t give up on me,” bulong ko habang binibigyan siya ng CPR. Maya-maya ay dumating na ang mga medical services at mabilis na binigyan siya ng oxygen at pinasalamatan ako na mabilis akong gumawa agad ng paraan para iligtas kahit papaano ang kanyang buhay. Napapikit ako at agad naman na pumasok ang ilang kapulisan upang kuhanan ng pahayag ang nangyari sa meeting kanina. Agad naman akong sumama sa mga pulis upang magbigay ng statement sa aking nalaman. Pagkalabas ko sa police station ay natuwa akong makita si Lucinda na naghihintay sa akin sa labas at mabilis akong binigyan ng yakap. “Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya. “Well, sabi ni Papa na sunduin ka raw namin dahil utang na loob daw namin sa iyo ang nangyari sa meeting kanina.” Napatingin naman siya sa parking lot at agad ko namang sinundan ang tingin niya. Nakita ko na kinawayan ako ni Tito Luther habang nakasandal naman sa sasakyan si Lucifer na naghihintay sa amin. Agad na isinukbit ni Lucinda ang kanyang braso sa akin at sabay kaming naglakad palapit sa kotse nila. “Oh, and by the way, mukhang ganda points ka kay kuya kasi nag-aalala siya kanina,” bulong sa akin ni Lucinda at napangiti naman ako. Nang makalapit ako sa kanila ay agad akong binigyan ng yakap ni Tito Luther. “How are you?” “Ayos lang naman po Tito. Kayo nga po dapat ang kinakamusta ko.” Napangiti naman siya sabay umiling. “No. Pasensya ka na sa nangyari kanina. But we owe everything to you because if you didn’t know that there was a drug inside that juice, we would have died already.” Nagpasalamat naman ako. “Oo nga.” Napalingon naman kaming lahat kay Lucinda. “Ang galing mo roon kanina friend. Alam mo iyong para kang superhero in disguise na para kang may super powers kanina. Grabe. Pero paano mo nalaman na may cyanide sa juice?” Napatingin naman ako sa kanilang tatlo bago ako sumagot. “Uhm, m-my father was a retired policeman. Sa kanya ko nalaman iyong gano’n” Pagsisinungaling ko sa kanila para lang may masabi ako kung paano ko nalaman na may drugs na pala sa inumin nila. Mukhang naniwala naman sila sa akin kaya hindi na nila ako tinanong pa. “I see. Well, maybe I should thank your father then for upbringing a talented and kind woman like you.” Napangiti na lamang ako kay Tito Luther sa kanyang sinabi. “So? I think this needs for a treat since Angeline saves the day.” “Naku, hindi na ho kailangan Tito.” Tanggi ko. “No, I insist. Besides, mukhang kailangan ka rin yatang pasalamatan ni Lucifer dahil linigtas mo ang isa sa mga magagaling na investors niya. Right, son?” Napatingin naman kaming lahat sa kanya at umirap lang siya sa hangin sabay sumakay na sa sasakyan. “Don’t mind him. He’s already saying thank you from the bottom of his heart.” “Let’s go!” rinig naming sigaw niya at natawa na lang kami sa pagiging masungit niya. Nakarating kami sa isang Italian restaurant na mamahalin at hindi ko alam na meron pa lang ganito rin na resto rito sa isla. Isa kasi ito sa mga paborito naming pinagkakainan noon nila Papa tuwing lumalabas kami noon ng Linggo. May lumapit sa amin na isang waiter sabay binigyan kami ng menu at pagtingin ko ay napangiti ako dahil parehas na parehas din ang menu nila. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik ang waiter upang kunin na ang aming order. “Posso prendere il vostro ordine?” Ang ibig sabihin ay ‘May I take your order?’ Sa hindi ko malamang dahilan ay sinagot ko rin siya sa salitang Italian at agad na sinabi sa kanya ang aming mga order. “C'è qualcos'altro che vorrebbe aggiungere, signora?” (Is there anything more that you would like to add, Ma’am?) “Nessuno.” (None.) “Okay, per favore aspetta.” (Okay, please wait.) “Grazie.” (Thank you.) Binalik ko na sa kanya iyong mga menu na binigay niya sa amin at pagtingin ko sa kanilang tatlo ay tulala silang nakatingin sa akin. Doon ko lang napagtanto na nagsalita ako sa salitang Italian at halos batukan ko ang aking sarili. “Wow! I didn’t know that you speak Italian, friend,” manghang sabi ni Lucinda sa akin at nagtataka namang nakatingin si Lucifer sa akin. “How did you learn how to speak Italian, dear?” tanong ni Tito Luther sa akin at bigla akong kinabahan sa tanong niya dahil mabubuking ako oras na sinabi ko na sa Italy ako nakatira. “Uhm…” “Geez. Dad, will you stop with all of the questions already? Kung paano niya natutunan iyon ay wala na tayo roon. Ang importante ay siya ang nagligtas sa kompanya ninyo ni Kuya.” Pagtatanggol naman ni Lucinda sa akin at napangiti naman ako sa kanya. “You’re right. Cheers to Angeline.” Taas ni Tito Luther ng kanyang baso at nakipag-cheers din kami sa kanya. Pagkatapos naming kumain ay hinatid na nila ako sa Vulgate hotel para raw makapagpahinga na ako. Nagpasalamat naman ako sa kanila sabay kinawayan ang papalayo nilang kotse. Nang wala na sila sa aking paningin ay napapikit ako ng mariin dahil ang dami kong ginawa na muntik na akong mabuko. Hays. Oras na malaman ito ni Dominus ay sigurado akong mananagot nanaman ako sa batas nito. Ayoko pa namang magaya kay Sascha na siyang tanging naglakas ng loob na salungatin ang mga panuntunan ng OA. I want and I am enjoying my freedom right now, so I need to be more careful when I’m around them. Pumasok na ako sa hotel at saka naisipang magpahinga ng buong hapon para mag-recharge. Baka kailangan ko lamang ng pahinga para naman hindi ako lalong mabuking sa aking mga ginagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD