Chapter 25

1994 Words
Lucifer Pagdating ko sa opisina ko dito sa Paris ay parang lumulutang ang aking utak ngayon at hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Hindi ako masyadong nakakuha ng tulog kagabi dahil sa ginawa ni Angeline sa akin na paghalik. I was so shock to even process it in my mind that she was the one who made the first move and kissed me. Pag-upo ko sa aking swivel chair ay napahilot ako sa aking sintido dahil hindi ako makapag-focus sa ginawa ni Angel kagabi. Sa tanang buhay ko ay wala pang nang-ahas na nanakawan ako ng halik dahil nga ayaw nilang lumapit sa akin. Aaminin ko na simula nang piliin ko ang bad side ni Lucifer ay wala akong naging nobya ni isa kahit noong nagbibinata na ako. Between my friends and I, I am the only guy in our group who doesn’t have any experience with being with a woman. Technically, anything to do with kissing, hugging, holding hands, and s*x are things that I never tried before. Kahit inaasar nila ako noon ay hinahayaan ko lang dahil naisip ko na wala namang papatol sa akin at naisip ko na mas masaya ang maging mag-isa. Pagkatapos ay makikilala ko ang isang babae na walang takot na ninawakan ako ng halik. Dapat ay nagagalit ako sa ginawa niya pero tumulala lamang ako sa kanyang ginawa at hindi man lang ako nakatulog sa kanyang ginawa. Ni hindi ko nga alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon dahil positibo talaga ako na wala akong gusto sa kanya kahit na ninakawan niya ako ng halik. Pero bakit parang may kakaiba akong nararamdaman simula nang gawin niya iyon? I really can’t explain this feeling like my body is hot all over and I want to let loose. Napabuga na lamang ako ng hangin nang marinig ko na tumawag sa aking intercom ang aking sekretarya. “Yes?” “Sir Lucifer, your father is here, and he wants to see you.” Napaayos naman ako ng aking upo at sinabi sa aking sekretarya na papasukin siya. Pagkatapos kong sabihin iyon ay inayos ko ang aking sarili sabay nagkunwari na may ginagawa sa aking laptop kahit wala naman. Pumasok ang aking ama at napakunot ang aking noo nang makita ko na hindi lang siya mag-isa kundi magkasama pa sila ng magaling kong kapatid. Biglang sumama ang aking mood kaya natigil ako sa ginagawa ko sa aking laptop at biglang napatayo. “Hello, son,” bati sa akin ng aking ama. “What the hell are you doing with him, Dad?” tanong ko na ikinasimangot naman ng huli. “Grabe ka naman sa akin, Lucy. Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita dahil parehas tayong abala sa ating mga trabaho. Tito oh, iyong anak niyo ayaw yata akong makita,” sumbong niya na parang bata at pinaningkitan ko naman siya ng aking mga mata. “Lucifer, hayaan mo na ang kapatid mo. Nagsabay na kaming pumunta rito dahil mukhang parehas din pala kami ng destinasyon kaya naman sinama ko na lamang siya.” Napatingin naman ako sa kanya at matamis naman siyang ngumiti sa akin. Bumalik ako sa aking pagkakaupo sa aking swivel chair. “Ano’ng ginagawa mo rito, Earl? Alam ba ni Tito na nandito ka?” Tumango siya kaya alam ko na nagsisinungaling siya. Kinuha ko ang aking cellphone at akmang id-dial na sana ang number ng Papa ni Earl nang pigilan niya ako mismo. Napatingin naman ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay na sinasabing ipaliwanag niya sa akin kung ano ang ginagawa niya rito. “Lucy naman eh. Please huwag mo nang sabihin kay Papa na nandito ako. Tumakas lang ako kasi ayaw niya akong mag-commute ng mag-isa. Dapat nga ay matagal na akong nakabisita sa iyo rito ang kaso ay palagi niya akong pinagbabawalan dahil baka kung ano nanaman daw ang gawin ko.” Napasimangot siya na parang bata. “Hindi na ako magtataka kung iyon ang ginawa ni Tito dahil marahil ay alam niya na wala kang gagawin na maganda. Puro ka kasi kalokohan at isip bata ka pa. When are you going to grow-up, Earl?” paninita ko sa kanya at nakita ko naman na sumimangot siya sabay bumalik na umupo sa tabi ni Papa na nagpapaawa. Tinaasan naman ako ni Papa ng kanyang kilay at napailing na lamang ako. Inikot ko ang aking mga mata dahil kailangan ko nanamang mag-baby sit sa kumag na ito. Earl is a brat and a spoiled guy. Palibhasa kasi simula noong baby pa lamang siya ay lahat na binigay sa kanya. “Fine. Stay with me, but don’t you ever make any problems again.” Lumiwanag ang kanyang mukha at nagtatatalon na parang bata kaya napangiti naman si Papa at tinanungan ako. Nang matapos ako sa aking trabaho ay nanatili rin si Earl sa aking opisina habang tahimik na naglalaro ng kung anong games sa kanyang cellphone. Tuwing tinitignan ko siya ay minsan hindi ko makita kung paano kaming naging magkapatid. Sa grupo ng mga kaibigan namin ay wala ni isang nakakaalam na kapatid ko ang isip batang ito. Earl is okay with him to let our friends know that we are siblings, but I don’t like it. Hindi ko alam kung bakit pero mas gusto ko na kung ano ang pakikitungo nila sa akin ay maging gano’n pa rin hanggang ngayon. Nang mag-alas singko na ay kinuha ko na ang aking mga gamit at tinawag na siya. “Lucy, nagugutom na ako. Pwede ba tayong dumaan ng Mcdonalds kahit saglit lang? Please?” Masama naman akong napatingin sa kanya at sumakay na lang sa aking kotse ng tahimik. Like I said, Earl is a spoiled brat. Lahat ng hilingin niya ay nakukuha niya at magkaibang-magkaiba ang pagpapalaki sa aming dalawa. I learned how to get things the hard way, wherein he gets everything the other way around. Lahat sa buhay niya ay wala siyang pinaghirapan at madali lamang niya itong nakukuha. That’s the reason why I envy him sometimes because I also wished that everything would be easy for me. Nang makarating kami sa mismong McDonald’s ay inorder namin lahat ng gusto niya. Nang makuha niya ang kanyang order ay para siyang bata na sobrang saya lang nang dahil sa French fries. Agad ko namang ginulo ang kanyang buhok sa pagiging cute niya kahit malaki na siya. “Geez, I am not a five-year-old kid anymore, Lucy,” reklamo niya at napangisi naman ako. “So? I am still your big brother, you idiot.” Humaba naman ang nguso niya at nagmaneho na ako pauwi sa amin. Pagdating namin ng aking bahay ay mabilis siyang pumasok sa aking kwarto at sinabi ko na huwag niyang guluhin ang aking mga gamit doon. Dumiretso akong pumunta sa mini bar ng aking bahay at uminom ng whisky at diniretso itong ininom. “Whoah! Umiinom ka?” Nakita ko si Earl na palapit sa akin at umupo sa isang stool. “You never drink an alcohol unless you have a problem.” “Wala ka nang pakialam doon. Ang mabuti pa ay bumalik ka na lang sa kwarto mo at manuod ka ng Spongebob.” Tinawanan lang niya ako kaya uminom na lamang ako ulit ng isa pang baso ng whisky. “Kapag nakita ka ni Mama ay sigurado akong magagalit iyon sa iyo dahil ayaw na ayaw niya ng alak.” Hindi ako umimik. “Lucy, half-brother kita at hindi mo man aminin ay mas close pa ako sa iyo kaysa kay Lucinda na buong kapatid mo. Inseperable tayo simula baby pa lang tayo dahil halos isang taon lang ang agwat mo sa akin. Kaya hindi mo maitatago sa akin na wala kang iniisip ngayon. The last time I saw you drinking like this was when a girl you like dumped you because your name is freaking Lucifer.” Nanahimik ako at linagok muli ang isang baso ng whisky at napatingin sa kanya. Tumingin ako sa malayo at itanggi ko man ay totoo ang kanyang sinabi. Ito ang mahirap dahil lumaki ako na may mas nakakakilala pa sa aking sarili kaysa sa akin. “Who is she, kuya?” Napangisi naman ako sa pagtawag niya sa akin ng kuya. “You stopped calling me Kuya when we were in Collage. It’s so weird that it makes me feel uncomfortable.” “Well, hindi ako titigil sa pagsabi ng kuya sa iyo hanggat hindi mo sinasabi sa akin kung sino ang problema mo. Kuya, kuya, kuya, kuya, kuya,” paulit-ulit niyang sinabi. “Okay, fine. Just stop it with the kuya. Hindi mo bagay dahil mukha kang mas kuya kaysa sa akin.” Humaba nanaman ang nguso niya. Pagkatapos ay agad kong kinuwento sa kanya ang lahat ng nangyari sa akin simula roon sa nakilala ko si Angeline sa isang bar hanggang ngayon. Umabot din siguro ng malapit isang oras bago ko matapos ang aking story telling sa kanya na mataman niya namang pinakinggan. Nang matapos akong magsalita ay napangiti sa akin si Earl na akin namang ipinagtaka. “Hindi ako love expert pero hindi naman siguro mahirap intindihin ang sitwasyon mo. You like this Angeline girl.” Inikotan ko siya ng aking mga mata. “Hindi mo ba narinig kung ano’ng sinabi ko sa iyo?” “Narinig ko lahat at sobrang klaro ng sinabi mo sa akin na wala kang gusto sa babaeng iyon. Pero ikaw na ang nagsabi na may nararamdaman kang kakaiba simula noong hinalikan ka niya ‘di ba? “Wala ka kasing naging karanasan sa ibang babae at siya ang pinakauna mo kung sakali. Kaya hindi mo tuloy alam ang pakiramdam na may natitipuhan ka na talaga. Look at our friends, muntik na nga silang mapunta sa mental at halos itaya nila ang kanilang buhay para lang makasama ang mga babaeng mahal nila. “All I’m saying is, whether you say that you don’t have any feelings for this girl, what if from the very start you already like her? You are just letting yourself believe that you don’t like her because you are still afraid that she’s going to laugh at you. Bully you like the other women before. What if that kiss was the wakeup call for you to realize that you are making a big mistake?” Pinaningkitan ko siya ng aking mga mata. “Are you sure you are Earl? Kasi sa natatandaan ko ay isip bata ang kilala kong Earl Ferrer at mahilig magpalibre. He never talks this mature before.” Binelatan niya ako at doon na ako simulang natawa sa kanya. “Tss. Ngayon na lang ako nagsabi ng isang mature na bagay na ang hirap gawin tapos ayaw mo pa akong paniwalaan. Bahala ka sa buhay mo, Lucy. Huwag ka na ulit hihingi sa akin ng advice.” Tumayo siya at nagsimulang naglakad palayo. “I never asked for your advice. Ikaw ang namilipit sa akin na sabihin sa iyo ang problema ko, you idiot!” Pahabol ko sa kanya at tinaas lang niya ang kanyang middle finger. Narinig ko na lang na binalibag niyang sinara ang kanyang pinto at napailing na lang ako sa pagiging brat niya. Nanatili pa ako sa aking mini bar ng mga ilang oras habang nag-iisip at inuulit na rine-rewind ang sinabi sa akin ni Earl. Muli kong binalikan ang gabi na hinalikan ako ni Angeline at napapalunok ako tuwing naaalala ko ang pakiramdam na iyon sa aking tyan. Nagugustuhan ko na ba talaga si Angeline? Pero sinabi ko sa kanya na hindi ko na siya gusto kaya nga hindi ko siya pinatulan noong sinabi niya na may gusto siya sa akin. Halos maubos ko na ang bote ng whisky na aking iniinom at medyo nahihilo na rin ako. Wala akong maisip na ibang dahilan kundi ang mga sinabi sa akin ni Earl na may gusto na nga ako kay Angeline. Kung totoo nga ay kailangan kong makita si Angeline bukas para malaman ko kung ano ang totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD