#BYAHBook3_ThisTime EPISODE 83 Patuloy lamang sa pagsunod si Kameon kay Doc. Hayden. Nakarating na nga sila sa isang liblib na lugar rito sa Baguio kung saan maraming nagkalat na mga nagtataasang puno’t mga d**o. ‘Saan ba pupunta ang gagong ‘to?’ sabi nito sa isipan. Talagang sinisigurado niya na hindi mawawala sa paningin niya ang doktor dahil malakas talaga ang kutob niya na ito ang may sala sa pagkawala ni Khiro at malakas rin ang kutob niya na sa pupuntahan nito, nandun ang pinakamamahal. Kaagad na nagtago si Kameon sa isa sa mga puno ng makita niyang napalingon sa gawi niya si Hayden. Napabuntong-hininga ito ng malalim. Halata na rito ang pagod at antok dahil na rin sa hindi pa naman ito nakakatulog dagdagan pa na hindi pa ito nakakain magmula kahapon. Napangi

