#BYAHBook3_ThisTime EPISODE 63 “Bakit kasama mo ang asungot na iyan na nagpi-feeling na tunay na asawa…” tanong ni Howard kay Khiro. Nasa tabi naman ni Khiro si Kameon na masama ang tingin kay Howard. Nasa lugar na sila kung saan iyon ang sinabi ni Howard kung saan sila magkikita. Sa isang… amusement park. “Huwag mo nga siyang tawagin ng ganyan… May pangalan siya…” malamig pa sa yelo na sabi ni Khiro kay Howard. Natawa naman si Howard sa sinabi ni Khiro. “Eh sa gusto kong iyon ang itawag ko sa kanya… Kapag kasi nababanggit at naririnig ko ang pangalan niya, kumukulo ang dugo ko at naaalala ko ang mga pinaggagagawa niyan para lamang maagaw ka niya sa akin…” maangas na sabi nito. “Oo nga pala Kameon… Nasabi mo na ba sa kanya ang lahat?” tanong pa nito. Hindi sumag

