#BYAHBook3_ThisTime EPISODE 55 Naalimpungatan mula sa mahimbing na pagkakatulog si Khiro. Nararamdaman niya kasi na parang may humahalik sa buong mukha niya na hanggang ngayon ay mukhang hinahalikan pa rin siya. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Napangiti siya ng makasalubong ng naniningkit pa niyang mga mata ang mga tingin ng mga mata ni Kameon at nakangiti rin ito sa kanya. Napansin niyang mukhang kanina pa ito gising. “Good Morning…” pagbati sa kanya ni Kameon using his bedroom voice. Hindi maiwasan ni Khiro na lalong mapangiti. Paano naman kasi, lalong naging hot si Kameon sa boses na iyon. “Good Morning…” pagbati rin ni Khiro. Pagkatapos nun ay namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. Nagtitigan sa mga mata habang nakangiti. Hindi a

