#BYAHBook3_InHisArms EPISODE 19 “Anong gusto mong panuorin?” tanong ni Kameon na kakalabas pa lamang ng kusina at ngayon ay dala-dala ang isang malaking mangkok ng nilutong popcorn patungo sa living room kung saan nandoon naman si Khiro at nakaupo sa isang mahabang sofa. Nasa loob sila ngayon ng hotel room. Nasa Tagaytay pa rin sila ngayon. Napatigil naman si Khiro sa pagtingin-tingin sa mga hawak ng dvd’s ng mga pelikula na dala rin nila rito at napatingin kay Kameon. “Ewan ko nga eh, hindi ako makapamili…” sabi ni Khiro. Nang tuluyan ng makalapit si Kameon sa kinaroroonan ni Khiro, ipinatong nito sa gitnang mesa ang dala-dalang mangkok saka naupo sa tabi ni Khiro. “Patingin nga ng mga iyan...” sabi ni Kameon sabay agaw sa mga hawak na cd’s ni Khiro. Tiningn

