ISABELLA: ILANG minuto ko ding inalo si Typhus na parang batang humahagulhol. Naiilang naman akong alamin kung anong problema. Tahimik akong pinapakiramdaman itong abala na sa trabaho. Maya't-maya ang tinatawagan na tungkol naman sa kumpanya ang pinag-uusapan. Naiilang tuloy ako dahil wala naman akong masyadong ginagawa dito sa cubicle ko, katabi ito. "Uhm, Sir? Kape po?" pormal kong tanong. Kahit naman kasi nagkaka palagayan na kami ng loob ay nakakahiya naman kung hindi ako magpaka-formal sa kanya eh nandidito kami sa opisina niya. Nilingon ako nito na pilit ngumiti. "Yes, please?" malambing saad nitong ikinangiti kong tumayo sa desk ko. "Thank you, baby," pahabol pa nito na ikinakindat ko na lamang. Habang nagtitimpla ng kape namin ay napapasulyap ako ditong abalang muli sa lap

