NATIGILAN si Igop na marinig magsalita ang boss nila kung saan ini-welcome na nito sa bulwagan ang anak na si Bella. Kasabay no'n ang paghiyawan at palakpakan ng mga tao na ikinangiti nitong napalagok sa shot nito. Nasa likurang bahagi kasi sila ng bulwagan kasama ang ilang kalalakihan. Nag-iinuman. Ayaw sanang pumayag nito pero dahil mga kaibigan naman niya ang lahat ng tao sa farm ay nakisama na lang ito. Isa pa ay hindi naman siya sinabihan ni Bella kung kailangan siya ngayong gabi ng dalaga. "Igop, ilapit mo naman kami kay Ma'am Bella oh?" ani ni Aljur. Ang isa sa mga kaibigan nitong kaedaran din nito. "Huh?" Kimi itong ngumiti na pinagsalinan si Igop ng kanyang shot. "Ipakilala mo naman kami kay Ma'am Bella. Hindi ba't close na kayo?" saad nito na ikinailing ni Igop sabay tungga

