ISABELLA: NANGILID ang luha ko na ginagap ang payat na kamay ng ina ni Typhus na nahihimbing. Maamo ang mukha nito at kahit may karamdaman ay 'di maipagkakailang napakaganda niyang babae. Naupo naman si Typhus sa gilid ng kama na nakamata din sa ina niya. Malungkot ang mga mata kahit may ngiti ito sa mga labi. Ginagap nito ang kamay namin ng Mommy niya at marahang pinipisil-pisil iyon. "Mommy, meet my girlfriend po, si Isabella. Secretary ko din po siya. Baby, siya ang Mommy Catrione ko. Actually, quadruplets sila Mommy. Dalawang babae at dalawang lalake. Nasa baba silang lahat. Ipapakilala kita sa kanila later," saad nito na ikinangiti at tango ko. "Ano bang nangyari sa Mommy mo, baby?" malungkot kong tanong. Napabuntong hininga naman ito ng malalim na mapait na napangiti. "Depress

