Winner! Loser! Chapter 6

1399 Words
Winner! Loser! Chapter:  6 Ariel’s POV   Nagising ako na medyo masakit pa yung ulo ko. Hindi makapagdesisyon yung utak ko na papasok ba ako or matutulog pa ako. Dahil hindi ako dinalaw ng katamaran ko ngayon bumangon na ako at pumunta sa CR bitbit yung phone ko.   Kasalukuyang nakaupu ako ngayon sa toilet bowl habang kinu-contact si lucas.   “oh para anong sa atin?” tanong ni lucas.   “anong oras klase mo mamaya?”   “10:30 pa naman, bakit?”   “maligo ka na, dadaanan na lang kita diyan.”   “wag na pare, matutulog pa ako, alam mo naman na hindi pa ako nakatulog na ganun katagal eh.”   “sasama ka? Or sasama ka talaga sakin?”   “bro naman eh. Gusto ko pa matulog eh.”   “pili ka nah.”   “may choice pa ba ako. Sige na maliligo na ako. Kainis ka.” Sabi ni lucas sabay patay sa ng linya.   Ako naman nagsimula na akong magligo ko. Nong natapos na ako napansin ko bigla na wala yung sakit ng ulo ko. Mabuti nga akala ko buong araw na toh eh.   Tinititigan ko yung sarili ko sa salamin. Nakita kong meron akong hickey sa bandang dibdib ko. Dahil sa nakita ko, naalala ko naman yung mainit na gabi na pinagsaluhan namin ng babae na nakilala ko sa bar ni lucas.   “kailan naman kaya ako makapaglaro ng ganun.” Sabi ko sa sarili ko habang pangiti-ngiti.   Natapos na ako magbihis kaya bumaba ako, papunta ako ngayon sa kusina. Napansin kong biglang lumabas si yaya iza sa kwarta niya. si yaya iza lang naman yung dakilang yaya na nakilala ko. Simula nong bata pa si papa, siya na naging yaya nito at pati na rin ako siya rin yung yaya ko nong bata pa ako.   “yaya iza good morning.”   “oh ar-ar gising ka na pala. Good morning din.” Sabi ni yaya iza.   “yes yaya. Papunta na nga ako ng school eh.”   “ganun bah. Mag inggat ka. Wag ka ng gumawa ng gulo ah.”     ”bago ako umalis. May pagkain ba don sa kusina yaya?” tanong ko.   “ mabuti tinanong mo nakalimutan ko meron dun sa kusina.”   “matanda na talaga si yaya. Makakalimutin na.hahaha!” sabi ko sabay tawa.   “ikaw talagang bata ko. Pumunta ka na don sa kusina at kumain.”   “yaya paki balut mo na lang yung pagkain ko. Damihan mo don na lang ako kakain kina lucas.”   “ok ar-ar upo ka muna diyan.” Sabi ni yaya iza at nagtungo na papuntang kusina.   Umupo muna ako sa sofa sa sala at nag text kay lucas.   “ bro don’t cook. May dala akong foods.” Text ko kay lucas.   “ok katatapos ko lang maligo. Hintay lang kita dito.” Text ni lucas.   Nakita kong lumabas na ng kusina si yaya iza at may dalang paper bag na pagkain yung laman.   “ar-ar ito na yung pagkain.”   Tumayo na ako at lumapit kay yaya iza para kunin yung paper bag.   “salamat yaya, una na ako.”   Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse ko. Ni start ko yung engine ng kotse at nag simula magdrive papunta kina lucas.   Nasa harap ako ngayon ng condo ni lucas at dito rin nakatira yung girlfriend ni dad. Plano ko sanang bisitahin si tita pero wala na akong oras, maya-maya start na ng class ko eh. Siguro next time na lang kapag may time.   Pumasok ako sa parking area ng condo na to para makapark yung sasakyan ko. Nong napark ko na yung sasakyan ko, tumungo na ako sa elevator papunta sa  condo unit ni lucas.  Nasa harap ako ngayon ng pintuan ng condo unit ni lucas at nag dodoor bell. Maya-maya ay bumukas na yung pintuan at lumabas si lucas.   “oh bro nandito ka nah. Pasok ka.” Sabi ni lucas.   Pagkapasok ko ng condo unit ni lucas kitang-kita mo talaga yung kalat sa paligid.   “lucas maglinis ka naman dito. Ang kalat-kalat ng condo mo. Mahiya ka naman sa bisita mo.”sabi ko.   “wala akong time eh. Kita mo naman na wala akong time. May mina-manage kaya akong bar, baka nakalimutan mo.”   “eh humanap ka ng tagalinis mo dito. Ang pangit tignan oh. Parang hindi condo yung condo mo. Parang basurahan.”   “may tagalinis kaya ako. Pero nag quit na. Kaya makalat ngayon kasi nag hahanap pa ako ng bago.”   “kahit na mataas yung sweldo na ibigay mo sakin, hindi ko talaga tatanggapin maging tagalinis mo.”   “ ide wag. Tara punta na tayo sa kusina para makakain na tayo gutom na ako eh.”   “tara medyo gutom na rin ako eh.”   Pumunta na kami sa kusina para kumain. Nong na tapos na kami bumaba na kami. Nasa loob kami ng kotse ko ngayon.   “diba dito rin nakatira yung girlfriend ng dad mo bro?” tanong ni lucas   “oo bibisitahin ko sana pero wala ng time sa susunod na lang siguro.”   “ganun ba, edi tara na, baka ma late kapa sa class mo 9:30  na mamaya.”   Nag simulan na akong magdrive papuntang school. Habang nagdidrive ako biglang nagsalita si lucas.   “bro is that miggy?” tanong ni lucas.   Napatingin ako sa side mirror ko at nakita ko imahe ng dalawang lalaki na lumalakad.   “hindi ko alam. Bakit dito rin ba yung gago na yun mag-aaral?” tanong ko.   “hindi ko rin alam. Parang si miggy yung lalaki na yun eh.”   “wag na nga natin pag usapan yung gago na yun.”   “yes sir.”   Nakarating na kami sa school, kasalukuyang pinapark ko yung sasakyan ko.   “bro look.” Sabi ni lucas.   “look where?”   “doon oh.” Sabi ni lucas sabay turo.   Napatingin ako sa deriksyon na tinuturo ni lucas. Nong nakita ko yung tinuturo ni lucas bigla uminit yung ulo ko. Nakita ko lang naman yung traidor kong kaibigan na nag ngangalang miggy.   “dito rin pala mag-aaral si miggy. Pero sino yung kasama yang lalaki? Never ko pa yan nakita ah.” Sabi ni lucas.   “who cares, sigurado akong isang loser rin yan katulad ni miggy.”   “ok sabi mo eh.” Sabi ni lucas at lumabas na ng kotse ko. Kaya lumabas na rin ako.   “tara sundan natin si miggy.” Sabi ni lucas.   “ikaw lang may pasok pa ako.”   “wag kang KJ. Tara na.” Sabi ni lucas at nag simulang naglakad sa deriksyon ni miggy.   Ako naman nilock ko yung kotse ko at sinundan yung chismoso kong kaibigan.   “bro business student rin siguro yung kasama ni miggy. Papunta silang business department eh.”   “wala akong paki sa kanila.”   Habang sinusundan namin si miggy at ang kasama niya. nakita naman ni lucas na lumiko na si miggy at iniwan niya na ayung kasama niya.   “bro sino kaya yung kasama ni miggy? Hindi kasi familiar sakin eh.”sabi ni lucas   “mas lalo na ako. Ang alam ko lang kalaban ko rin yan kasi kaibigan niya si miggy.”   Pasensya na lan yung lalaking ito. Pinili niya kasing makipagkaibigan sa lalaking kinamumuhian ko. Malas niya ako magiging kalaban niya.   “dito ka lang bro.” Sabi ko kay lucas.   “san ka pupunta?”   “basta makikita mo.”   Naglakad ako ng mabilis para mahabol yung lalaki na kasama kanina ni miggy. Nong naabutan ko na bigla ko siyang binangga ng malakas. Dahil sa pwersang binigay ko na tumba yung lalaki.   “watch where you going.”   Bumangon yung lalaki at nag simulang ayosin yung damit at mga gamit niya. nong natapos na siya, tinigtignan niya ako ng masakit. Aba palaban to ah. Gusto ko to. Kaya napa smirk na lang ako.   “ah--.”   May sasabihin pa sana yung lalaki. Pero bigla tinakpan ng kakarating lang na lalaki yung bibig niya at hinila palayo sakin.   “kyle my friend, nandito ka lang pala tara na sa room baka malate pa tayo.” Sabi ng kararating lang na lalaki sabay hila sa lalaking kasama kanina ni miggy.   Nong makaalis na yung dalawa, may narinig akong may tumatawa. Napalingon ako kung sino yung tumatawa. Nakita ko yung kaibigan kong tumatawa na papalapit sakin.   “bro tapang mo talaga. Ano yun bakit mo ginawa yun.”sabi ni lucas.   “wala, nagwelcome lang ako sa bagong kaaway.”   “what do you mean by that?”   “kaibigan niya yung lalaking kinamumuhian ko sa lahat. Kaya automatic kaaway ko rin siya. Malas niya na lang nakipagkaibigan pa siya sa lalaking yun” sabi ko sabay smirk.   “ano yung pangiti-ngiti mo diyan. Amayos ka walang kasalanan sayo yung tao.wag mo na pagtripan.”   “ano yung hindi pag tripan. Sarap siguro pagtripan yun. kanina nga eh, sasagot siya sana sakin pero pinigilan siya ng kaibigan niya. gusto ko mga yun, ang lumalaban.”   “bro tigilan mo na yan. Walang kasalan yung tao sayo.”   “pero yung kaibigan niya meron.”   “bahala ka na nga diyan, pumasok kana sa klase mo mag sta-start na. Don muna ako sa cafeteria, nagugutom na naman ako eh.”   Kahit kailan talaga, yung kaibigan ko na to patay gutom talaga.   “ok kita na lang tayo mamayang mag lunch sa cafeteria.”   “ok bye.” Sabi ni lucas sabay lakad palayo sakin.   Maghintay ka lang kyle. Siguradong hindi maboboring yung pagstay mo dito sa ateneo, ganun rin sayo miggy. Napasmirk na lang ako sa mga katarantadohan na sumasagi sa isip ko.   “miggy just watch your friend carefully baka sa susunod na araw hindi mo na makikita dito.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD