Winner! Loser!
Chapter: 3
Kyle’s POV
Nakarating na kami nang aking mamo sa manila. Kasalukuyang nasa harap kami ng pintuan ng isang condo.
“mamo sino po yung bibisitahan natin dito?” tanong ko kay mamo.
“wala tayong bibisitahin dito.”
“eh bakit tayo nandito.”
“kasi dito na tayo titira simula ngayon.” Sabi ni mamo sabay smile.
Dahil sa sinabi ng mamo ko napanganga na lang ako. Kasi hindi ko inaasahan na ganito dito kami titira ng mamo ko.
“seryoso ka mamo?”
“Oo tara na sa loob. Alam kong excited kana.”
Pagkapasok namin sa loob ng condo unit. Mas napanganga ako dahil sa nakita ko. Ang laki ng unit na toh. Sala pa lang masasabi mo na ang unit na to ay malaki, Sala pa lang ang lawak na.
“anak yung bibig mo paki sara baka may pumasok na langaw diyan.” Biro ni mamo.
“mamo ang ganda at ang lawak naman toh.”
“mas magandahan kapa sa condo na to kapag nakita mo na yung kwarto mo.” Lumapit si mamo sakin at hinawakan yung kamay ko. “hali ka anak dun tayo sa kwarto mo.”
Nagsimula na kaming maglakad papuntang kwarto ko. Nadaanan namin yung mga furniture, hindi basta-basta siguro akong bago at mahal mga to.
Nasa harap na kmi ngayon ng kwarto ko. “ anak handa kana bang makita yung kwarto mo.”
“before that mamo. Bago ba lahat ng gamit dito?”
“oo naman. Bago lahat nang makikita mo dito except na lang guro sa mga damit natin.”
“mamo malaki naman siguro yung ginastos mo dito no?” tanong ko na ng naka simangot.
“wag kang mag-alala anak yung iniexpect mong ginastos ko hindi yun abot.”
Alam ko naman mahilig magastos si mamo ng pera niya. Buti naman hindi naman pala ganan ka laki.
“akala ko kasi malaki naman yung ginastos mo dito.”
“hindi abot kasi mas malaki pa yung ginastos ko dito.”
Sa sinabi ni mamo, Muntik na akong matumba dahil sa gulat. Kahit kailan talaga mamo mahilig talaga gumastos sa walang kwentang bagay.
“mamo ilang bisis ko na bang sabihin sayo na control mo yung sarili mo gumastos ng malaki.”
“marami naman tayong pera ah. So don’t worry.”
Hays mahirap talaga basta spoiled ka simula nong bata kapa. Paglaki mo hindi ka talaga marunong magtipid. Buti na lang hindi ko namana yung attitude ni mamo.
“mamo hindi sa lahat ng oras may pero tayo. What if wala ka nang trabaho, saan tayo hahana ng pagkain natin?”
“anak baka nakalimutan mo ako si kylie marquez. The best designer here in the philippines and one of the best designer in asia. Never akong mawawalan ng trabaho.” Proud na sabi ni mamo.
“mamo what if naubos yung pera natin sa kakagastos mo.”
“hindi mangyayari yun. I have multiple bank account.”
“what if wala ka nang client?”
“anak hindi naman ako umaasa sa trabaho ko. Pwede naman akong maging model kahit medyo may edad na ako. Look oh.” Sabi ni mamo sabay pose.
Bakit kasi may nanay akong tulad ni mamo parang siya pa yung anak umasta kisa sakin.
Wala na akong gana makipag-usap sa kanya, sasakit lang yung ulo ko kapag nagpatuloy pa akong makipag-usap sa mamo ko na to.
“wag kana mag reklamo. Ito yung kwarto mo, I know you will love it.” Sabi ni mamo sabay bukas ng pintuan ng kwarto ko.
Pagkabukas ni mamo sa pinto ng kwarto ko, namangha talaga ako. Dahil yung favorite color ko yung kulay ng kwarto ko, it’s so red katulad ng mga tometo na gusto-gusto kong kainin. Super lawak pa ng kwarto ko meron pang sariling TV at sofa set.
“mamo ang ganda ng room ko. Gustong-gusto ko talaga ang room mami. Sigurado kang sakin to mamo.”
“hali ka dito mas lalong magugustohan mo pa yung room mo.” Sabi ni mama.
Lumakad si mamo papunta sa isang pintuan na nasa loob ng room ko.
“hali ka ito yung magugustohan mo sa lahat.” Sabi ni mamo ng nakasmile.
Lumapit ako sakanya. Nong nasa tabi na ako ni mamo, sinimulan niya ng buksan yung pinto. Tuluyan ng nabuksan ang pinto at napanganga ako sa nakita ko sa loob.
“do you like it anak?” sabi ni mamo at nagsmile.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko yung mga book shelf sa loob. Is this my mini library? Yung dream room ko nagkatotoo nah. Matagal ko na kasing gusto magkaroon ng mini library.
“no maam. I love it so much.” Sabi ko at nagsmile nang subrang malaki.
Masaya talaga ako sa suprisa ni mamo sakin ngayon.
“so anak kanina parang ayaw mo dito sa condo ah. Lipat na lang tayo sa dati kong tinitirahan.”
“ano yung ayaw. Wala kaya akong sinabi na ganun. Gustong-gusto ko nga dito eh.”
“hahaha! Ok anak. Mag simula ka na diyan mag ayos ng gamit. Alam ko marami kapang aayosin. Nandun lang ako sa work room ko kapag hanapin mo ako.”
Lalabas na sana si mamo sa kwarto pero bigla ko siya tinawag ulit.
“mamo! nasa an ba yung work mo?”
“kita mo yun unang pinto na dinaanan natin kanina. Dun yung work room ko. Pero kung wala ako dun nasa kwarto ako. Yung room ko is dun sa last door.” Sabi ni mamo sabay turo sa left side.
“ok mamo. Labas kana.hehehe!”
Pagkalabas ni mamo nag simula na akong mag ayos ng mga damit ko. Nong naayos ko na lahat ng mga damit ko. Dun naman ako sa mini library ko inayos ko lahat ng mga manga books ko. Buti dinala ko lahat ng books para may laman naman yung mini library ko. Kasi marami pang bakanti dito sa bookshelf. Buti nga para wala na akong problemahin kung saan ko lalagay yung mga books na bibilhin ko in the future.
Tapos na naman akong mag ayos ng mga gamit ko dito at nakarandam ako ng antok. Napagpasyahan ko na lang na magtulog muna.
Habang ako’y tulog naramdaman ko na may kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.
“anak! Anak!” tawag ni mamo sakin
“andyan na mamo.”
Bumangon na ako at binuksan ang pintuan.
“yes mamo?”
“magluluto na ako, ano gusto mong ulamin?”
“talaga mamo tinatanong mo pa ako?” sabi ko ng naka poker face.
“hahaha! Nakalimutan ko kamatis is life ka pala. Labas muna ako bibili ng mga kamatis mo.”
“ok mamo ingat.”
Pagkalabas ni mamo, napagpasyahan ko na don na lang ako sa sala magtambay at manuod ng TV.
After mga 2 hours narinig kong bumukas yung pintuan. Siguro si mamo na yun. Nagtungo ako papuntang pintuan para tulongan si mamo sa mga dala niya. nagulat ako sa nakita ko nong nakarating ako sa pintuan merong kasamang lalaki si mamo na kaedad niya. parang familiar yung mukha ng lalaki.
“anak nandyan ka pala tulongan mo si tito mo. Marami siyang dala oh.” Sabi ni mamo.
Lumapit ako sa lalaki at kinuwa yung mga dala nito at nag tungo sa kusina para dun ilagay yung mga pinamili ni mamo. Bumalik ako sa sala at nakita ko si mamo kasama yung lalaki na nakaupo at nagtatawanan.
Napanitingin silang dalawa sakin at binigyan ko na lang sila ng awkward smile.
“halika dito anak.” Sabi ni mamo.
Lumapit ako kay mamo at umupu sa tabi niya.
Sino kaya yung lalaki na to parang nakita ko na toh ah. Hindi ko lang maalala kung saan.
“anak hindi ko pala nabanggit kanina. Pupunta pala yung boyfriend ko dito. Ito siya oh. Si tito mo Arjan.”
Kaya pala ang familiar ng mukha ng lalaking ito. Si tito Arjan pala. Yung long time boyfriend ni mamo.
“hello po tito.”
Tumayo si tito Arjan at lumapit sa harap ko.
“hello kyle ako pala si tito Arjan mo. Boyfriend ni mamo mo.” Sabi ni tito Arjan sabay lahad ng kamay niya sakin para makipag shake hands.
Tumayo rin ako at nakipagshake hands kay tito Arjan. “ako po si kyle. Nice to meet you po.” Sabi ko sabay ngiti.
Nagbitaw na yung mga kamay namin sa pagkakashake hands at umupo kami ulit sa sofa.
“anak makipag-usap ka muna sa tito Arjan mo, magsisimula na akong magluto.” Sabi ni mamo sakin.
Tumayo na si mamo at nagdiretso na sa kusina para makaluto na. Kami naman ni tito Arjan ay naiwan dito sa sala at nagtitigan, hindi sa nahihiya ako sa kanya, hindi ko lang talaga alam kung ano yung sasabihin ko. Pinagmasdan ko ng mabuti si tito. Gwapo pala nito bagay na bagay sila ni mama. Pero hindi basihan ang mukha para malaman kung compatible sa isa’t isa ang magkarelasyon.
“alam mo ba kyle meron rin akong anak na kasing edad mo.” Sabi ni tito.
“ah ganun ba tito.” Sabi ko at nagsmile ng awkward.
Sana lang hindi maingay yung anak mo para hindi sakit sa ulo. Kasi kapag ganun hindi talaga kami magkakasundo. Yung ayaw ko sa lahat is maingay, gusto ko tahimik lang yung paligid ko.
“saan ka pala mag aaral ngayon, rinig ko kay mamo na magcocollege ka na daw?”
“sa ateneo po tito.”
“talaga dun rin mag-aaral yung anak ko. Baka magkita kayo dun.”
Nag smile na lang ako sa sinabi niya.
“buti nga dun ka rin mag aaral, para may bantay na siya, yung anak ko kasi lapitin ng gulo eh. Pero wag kang mag-alala kahit na mahilig makipagbasag ng ulo yun sigurado akong mabait yun.”
Tumango na lang ako sa mga sinabi niya. sa kwento niya pa lang tungkol sa anak niya alam ko na problema lang makukuwa ko kung lalapit ako sa anak niya. salamat na lang tito sa warning mo.
pagkatapos wala na ni isa sa amin ang nag buka ng aming bibig at nagpatuloy na lang kami sa panunuod ng TV.
Maya-maya ay tinawag na kami ni mamo. “anak, arjan, hali na kayo dito kain na tayo.”
Dahil dun tumayo kami ni tito arjan patungo sa kusina. Umupo na kaming tatlo sa hapagkainan. Nakita ko yung mga pagkaing gawa ng mamo ko. Merong adobo , bangus na may tometo sauce at hindi mawawala sa menu namin ang slice tometoes.
“babe hindi ko alam mahilig ka pala sa kamatis.” Sabi ni tito kay mamo.
“sino nag sabi sayo. Paborito yan ni kyle yung mga kamatis hindi ako.”
“ah ganun bah.” Sabi ni tito at nagsmile.
“bakit hindi mo sinama dito si ariel?” tanong ni mamo kay tito.
“kasama ko dapat siya ngayon dito eh. Pero hindi ko macontact siguro nandun naman sa bar ng kaibigan niya.”
“alam mo ba kyle, yung anak ko yung gumawa ng mga book shelf sa mini library mo.” Sabi ni tito.
Parang medyo bumulib ako sa anak ni tito ah, hindi ko ma imagene nakayang gawin ng anak ni tito arjan yung book shelf. ang ganda kasi ng pagkagawa ng book shelf ko don sa mini library ko.
“talaga po? Ang ganda po nong mga bookshelf, akala ko nga binili yun ni mamo, alam niyo naman siguro na mahilig maggastos ng pero yung mamo ko.”
“kaya nga umabot kami ng mamo mo nang ganito ka tagal kasi ganun rin ako.hahaha!” sabi ni tito sabay tawa.
Sumasakit na nga yung ulo ko kay mamo ma dagdagan pa kapag nagkatuloyan ang dalawang ito. Hindi lang isa yung problemahin ko kung hindi dalawa nang spoiled brat. Iniisip ko pa lang sumsakit na yung ulo ko, what if magkatotoo.
Natapos na kaming kumain tatlo. Nag bolentaryo ako na yung mag hugas kaya nandun si mamo at tito sa sala nag uusap, ako naman dito sa kusina naghuhugas ng mga plato. Hindi pa ako na tapos sa paghuhugas ng palto nag paalam na si tito na para umuwi. Pagkatapos kong maghugas,nagpaalam na ako kay mamo na papasok na ako sa kwarto ko at matulog na ako.