Matagal hindi makakibo si Thunder dahil sa sinabi ni Keonna, nasa gilid sila ng kalsada at malakas na ang buhos ng ulan sa labas. Pero hindi sa bugso ng ulan o tunog ng wiper na bibingi si Thunder kundi sa sinabi ni Anna na umuugong sa tenga niya. Soon, I’ll be your sister-in-law. Parang may sumabog sa loob ng dibdib niya—hindi bomba, kundi isang katotohanang mas marahas pa sa inaasahan niya at hindi niya inaasahan na maririnig niya mismo sa bibig ni Keonna. At talaga ang Kuya pa talaga niya ang napili ntong gamitin para iwasan siya. “Uulitin mo nga,” mahinang utos ni Thunder. Hindi ito tanong kundi isang pakiusap na sana mali lang ang narinig niya mula sa dalaga. “Thunder—” “Sabihin mong nagbibiro ka lang, Keonna. Please.” Tahimik si Keonna na umiling, namayani ang matinding katahi

