Episode 25- The core

1551 Words

Lumipas ang ilang buwan mula nang lokohin siya ni Keonna sa Shahdara Ruins kung saan hindi siya sinipot nito, ginawang parang tanga, at pinaasa. Pero kahit anong pilit niyang ibaba ang bigat ng nararamdaman ng dibdib niya, hindi mawala. At hindi niya iyon nakakalimutan—kahit isang segundo. Ang bawat araw sa Pakistan Branch ay isang paalala na nasa dilim pa rin siya, naghahanap ng sagot, naghahabol sa isang multo na siya ring pinakamamahal niyang tao. Sa kabila niyon… naging exemplary ang records niya. Walang failed mission, walang delayed extraction, walang missed shot. Parang ibinuhos niya ang galit, sakit, at pagkadurog niya sa trabaho. Bawat assignment niya, flawless. Bawat tactical simulation, perfect score. At dahil doon… mas lalo siyang naging lethal. Mas lalo siyang naging tahimik.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD