Napadilat si Keonna ng maramdaman na parang may nakatingin sa kanya at pag dilat nga niya nakita niya si Thunder na nakangiti na naka unan sa braso nito habang nakatagilid ng higa at nakatingin sa kanya. Nahihiya naman na tatalikod na sana si Keonna na pinigilan naman ni Thunder. Kaya itinakip nalang niya ang kumot sa mukha pero hinila lang yun ni Thunder habang maganda ang ngiti. “Thunder…” “Walang tatakbo. Not today.” Ani Thunder na mas inilapit ang sarili sa kanya. At doon niya lang narealize na pareho pa pala silang hubad sa ilalim ng makapal na kumot na gamit nila. Yes! They made love kanina lang at hindi niya napigilan ang sarili niya bigla parang gusto niya na maramdaman muli ang katawan ni Thunder na nakadikit sa katawan niya. Ni hindi nga niya na isip na walang pinto ang kubo

