Lumipas ang mga buwan nang tahimik na walang ng mga sirena, walang tunog ng mga monitor, walang mga gabing walang tulog, wala ng gabi na umiiyak si Keonna sa labis na pag-aalala para sa anak. Pansamtalang iniwan ni Keonna ang lahat maging ang pagiging doktor niya at hinarap ang pagiging isang inang puno ng pangungulila at takot. Siya ang personal na nag alaga, nag bantay kay Keon, habang si Thunder naman ay nag file na din ng resignation sa silver city at nag paplano nalang silang mag tayo ng isang maliit na clinic at mga on-call duty in the near future para personal nilang masubaybayan ang pag laki ni Keon. Ngayon tapos na ang mga therapy ng anak at naka enrolled na din ito sa isang exclusive school kasama ng iba nitong pinsan, kaya naman tuwang-tuwa si Keon ng malaman nitong papasok na

