Huminga ng malalim si Thunder na tumingin sa paligid. Ang init ng disyerto ay parang apoy na dumidikit sa balat niya, paglabas ni Thunder sa military transport van parang gusto pa niyang ngumiwi sa sobrang init. Para siyang isinalang sa oven toaster, wala na ngang hangin na maayos sobrang tahimik pa ng paligid. Malayong-malayo sa nakasanayan niya sa Pilipinas, malayo sa Silver City na lagimg malamig at lalo pang mas malayo sa buhay na iniwan pansamantala. Ang Pakistan Headquarters ay parang katulad din ng personality niya ngayon walang buhay, a grey fortress in the middle of sand and silence. Dito na magsisimula ang buhay niya bilang exchange agent—isang elite operative sa pinakamapanganib na branch ng buong Silver City defense network. At dito niya malalaman ang unang misyon… ang misyon

