Kabado si Keonna habang naka higa sa sahig na may latag na banig. Matigas ang higaan niya pero walang problema. Ang pinoproblema niya ay lumalalim na ang gabi. Sa labas ng maliit na kubong tinutuluyan niya diniya niya ang banayad ang hampas ng alon sa dalampasigan. Mainit-init pa ang hangin, parang uulan dahil maalinsangan ang hangin. Sa loob ng kubo, may liwanag mula sa maliit na lampara na ipinasok ni Thunder kanina na lumabas at nag paalam pa sa kanya dahil makikipag-inuman lang daw ito saglit sa labas. Kakatapos lang maghapunan nila Keonna at Thunder. After ng dinner sinamahan pa siya ni Thunder na mag toothbrush sa gilid bago siya pinapasok na sa kubo at sinabing matulog na kung inaantok na, saglit lang daw naman ito pero tingin ni Keonna may 2 oras na itong nag iinom. Hindi naman na

