Episode 3- Medical Mission

1557 Words
Mainit ang paligid, nakatanaw si Keonna sa mga kalalakihang army na nag tutulong-tulong sa pag-aayos ng operating tent. Para sa one-week medical mission nila doon sa Pilipinas. Katulong ang mga Philippine Army at iba pang army in charge para sa malawakan medical mission na yun. Mga sundalo, nurses, at volunteer doctors ang abala sa pag-set up ng medicube tents, nagagamitin nila. Ngumiti naman si Dr. Keonna Benitez, suot ang camouflage scrubs at cap, nakatingin sa clipboard na hawak ng batiin siya ng isang nurse. Kalmado ang kilos niya, pero halata sa mga mata ang pagod dahil sa 24 hrs na naging duty niya dahil sa nangyaring engkuwentro ng mga ibang army na maraming nasugatan at kailangan mabantayan. Tapos sumabay pa ang medical mission na ito na hindi na puwedeng iurong. One week lang naman ito. Kaya kailangan lang niya matulog lang muna sandali bago mag focus ulit sa trabaho. "Kaya natin to self," wika pa niya sa sarili na huminga ng malalim bago kumaway pa sa ilang kaibigan na naroon, sakto naman nilapitan siya ni Captain Storm Mondragon, kapatid ni Thunder na matagal na niyang kasama sa mga mission pero matagal din itong nawala pero ngayon ay nagbalik sa serbisyo kung anong dahilan wala silang alam na eksaktong dahilan. "Anna, a new guest surgeon just arrived from the central hospital. He’ll be the head consultant for the trauma cases." ani Storm bitbit ang isang clipboard ng listahan ng mga paparating na civilian specialists. "That’s great. At least may makakatulong tayo sa mga surgical ops. Ano pong pangalan niya?" tanong ni Keonna habang sabay na silang nag lalakad. "Dr. Thunder Mondragon." casual na sagot ni Storm kahit kapatid nito ang tinutukoy nito, natigilan si Keonna para siyang binuhusan ng malamig na tubig na napatingin kay Storm. "Ano’ng… pangalan?" natawa naman si Storm ng bahagya. "Dr. Thunder Mondragon, Anna. Mukhang kilala mo?" biro pa ni Storm na halata naman na nunukso lang, hindi naman agad nakasagot si Keonna. Na nag patuloy lang sa pag lalakad. Pinigilan niya ang mag react baka kung ano pang sabihin nito e. Pilit siyang ngumiti, at kunwaring umirap. "Hindi, baka iba lang. Common name lang siguro." kunwaring irap niya rito saka mas nauna ng humakbang ng mas mabilis pero sa loob-loob niya. "Walang ibang Thunder Mondragon sa mundo na isang surgeon." mahinang bulong niya sa sarili habang papalayo kay Storm. - - - - - - - - Mainit ang paligid. Abala ang lahat sa pag-aayos ng operating tent. Napalingon pa silang lahat kasama si Keonna ng may dumating na isang close van na truck. Biglang bumukas ang likurang bahagi ng truck, at bumaba ang isang lalaking naka-gray surgical coat, may suot na sunglasses at may kasamang medical equipment case. Matangkad. Disiplinado ang tindig. Pero sa likod ng composed aura, may dalang presence na hindi kayang itago — the same presence that once made her heart race years ago. "Thunder Mondragon." mahinang bulong sa isip ni Keonna. Habang naglalakad si Thunder papunta sa medicube, sandaling nagtagpo ang mga mata nila ni Keonna. Pakiramdam ni Thunder bigla huminto ang ikot ng mundo sa pagitan nila ng dalaga. Ang ingay ng paligid — biglang nawala at naririnig na lang ni Thunder ay ang kalabog ng sarili niyang puso. "Ku—Thunder..." usal na bati ni Keonna ng makalapit na ang binata sa gawi nila. Tinanggal ni Thunder ang sunglasses niya. Walang salita. Tumitig lang ng ilang minuto pa kay Keonna bago unti-unting ngumiti ang binata. "Dra. Benitez, it's been a long time." Pormal ang tono, pero ramdam ni Keonna ang saya sa boses nito. Ngumiti naman na tumango si Keonna. "Dr. Mondragon. Ang tagal nating ‘di nagkita. Nice to see you again," ani Keonna. "5 years, three months, and… fourteen days." wika ni Thunder habang deretsong nakatingin kay Keonna — bahagyang natawa at bahagyang nabigla din. "You counted?" "Old habits die hard." kibit balikat na sagot ni Thunder. Muling natahimik silang dalawa parang nakalimutan nilang may ibang tao sa paligid. Na nagsimula nang magbulungan ang mga nurses sa likuran nila habang halatang nagkakailangan pa sila pero ramdam mo yung impact ng muli nilang pagkikita. "Uy, parang may something, sila oh." "Ang intense ng tinginan nila!" "Sino kaya ang unang ki-kiss." Agad nag-ayos ng tindig si Keonna ng marinig ang bulungan ng mga nurse. At mabilis ng umiwas ng tingin. "Let’s… get to work. May mga pasyente tayong kailangang asikasuhin." "Copy that, Major Benitez." sagot ni Thunder na ngumiti na sumaludo pa. Ang pagtawag niya sa kanya sa ranggo — Major — ay parang paalala ng pagitan nilang dalawa ngayon. Hindi na sila sina Thunder at Keonna ng nakaraan. Ngayon, pareho na silang propesyonal. Tumango naman si Keonna na agad na ipinakilala ni Keonna sa lahat si Thunder. - - - - - - Mabilis na lumipas ang mga araw sa pagitan nila Keonna at Thunder, magkasama silang nag-ooperate ng sugatang sundalo. At sa pag tulong sa medical mission. Maayos ang team up nila, parang iisa ang takbo ng mga isip nila. Sa bawat tinginan nila parang agad na silang nagkakaintindihan sa maraming bagay. Kapag tumitingin si Thunder sa kanya, pinipigilan niyang mapangiti dahil ang daming matang nakatingin sa kanila na iniisip talaga na may something daw sa kanila. Alaga pa silang tuksuhin dalawa ng mga taga medicube at mga kapwa sundalo ni Keonna. Halos naman kasi ayaw ng umalis sa tabi niya si Thunder, magkakahiwalay lang sila kapag duty siya at kailangan niyang mag rounds habang ito naman ay patuloy sa medical mission. Pero umasa ka kapag breakfast, lunch at dinner lagi itong sumasabay sa breaktime niya basta hindi na ito busy kaya naman lalo lang iniisip ng lahat na may relasyon sila. HIndi na kasi maitago ang closeness nilang dalawa. Kaya naman problemado na si Thunder dahil last day na ng medical mission nila at hindi na niya alam kung kelan na ulit sila mag kikita ni Keonna, dahil after that medical mission according sa kuya Storm niya, babalik na ang mga ito sa US dahil tapos na ang assignment ng mga ito roon after 60 days. Tahimik na nakatanaw si Thunder sa mga nagkakasiyahan, ito na ang huling araw ng medical mission. Matapos ang mahabang araw nag-set up ang mga sundalo at nurses ng maliit na salo-salo. May portable speaker, may soft lights, at may kantahang tawanan sa gitna ng kampo at mga masasarap na pagkain. Nakaupo lang sa isang tabi si Thunder, hawak ang stainless flask niya. Tahimik lang, pinagmamasdan si Keonna na sumasayaw kasama ang mga nurse at ibang doktor. Tawa ito nang tawa, parang wala nang iniisip. Parang hindi siya ‘yung Keonna na minsan dumanas ng kalapastanganan sa kanya. "You’ve changed, Keonna. Or maybe… you just learned how to smile without me." mahinang bulong ni Thunder sa isipan niya. Habang tumatagal, hindi na niya maalis ang tingin. Ang bawat galaw ni Keonna — nakakahawa. Ang bawat tawa, parang suntok sa dibdib niya. Dahil ilang oras na lang hindi na ulit sila magkikita, pinikit niya ang mata sandali, huminga nang malalim, at kinuha ang flask na iniinom ng pasimple. "Focus, Thunder. You’re here to save lives, not to remember hers." saway pa nya sa sarili. Tumayo siya at palihim na lumayo sa kasiyahan, dala ang flask na may laman na alak na mahigpit na pinag babawal sa kampo. - - - - - Tanging tunog ng kuliglig at malayong tawanan ang maririnig. Umupo siya sa isang drum ng tubig at uminom ng kaunti mula sa flask. "Just one sip para mawala lang ‘yung... memories." tutungga na sana si Thunder ng magulat sa biglang pag sulpot ni Keonna. "So… nagdadala ka pa rin ng alak kahit bawal sa kampo, ha?" alanganin naman na ngumiti si Thunder na mabilis na itinago ang flask sa bulsa niya. "Old habit, Major. Pamparelax lang." Lumapit si Keonna at iniabot ang kamay. "Give it. Alam mo namang bawal ‘yan." utos nito na hinihingi ang flask. "Relax, hindi naman ako lasingero." natatawang sagot ni Thunder na bigla ng tumayo ng mahalata na balak talagang kunin ni Keonna ang falsk niya. "Thunder." Ginamit niya ang tono ng opisyal, lumapit pa siya at sinubukang kunin ang flask. Mabilis na umiwas si Thunder, para silang mga batang nag-agawan ng larua. Mga na tatawa pa pero sabay pa silang natigilan ng mapagtanto nila na halos magkayakap na silang dalawa. Sobrang lapit nila ramdam na nila ang hinga ng isa’t isa. Bigla natigil sila sa ginagawa at nagkatinginan nalang. "Keonna…" bulong pa ni Thunder. Nagulat pa silang pareho nang dumulas sa kamay ni Thunder ang flask at sa pag-abot nila pareho ng muntik na yung mahulog nagkabanggaan ang labi nila. Sandaling katahimikan, parehong nag-freeze sila at natigilan. Hindi iyon halik na sinadya — pero nag-iwan ng apoy na hindi madaling patayin ng mabilis silang nag hiwalay at lumayo sa isa't-isa. "Thunder— I— sorry, I didn’t mean—" mabilis naman umiling si Thunder. "I know." Pareho silang nakayuko, pareho ring humihinga nang mabilis at pinipilit na ignorahin ang chemistry sa pagitan nila. "Maybe… some ghosts never really leave." Tumingin si Keonna sa binata. "Maybe… we shouldn’t keep running from them." usal pa ni Thunder saka walang sabi-sabi na muling tinawid ang pagitan nila at this time hindi na aksidente ang halik. Nag halikan sila na parang wala ng bukas na para bang sobrang na miss nila ang isa't-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD