Marahan na umungol si Keonna dahil sa lamig na naramdaman niya. Bago pa tuluyang bumukas ang mga mata niya ngumiwi pa siya sandali, para siyang lumulutang sa pagitan ng panaginip at realidad, parang may humahatak sa kanya para matulog ulit, pero parang may tumatawag sa pangalan n'ya. May naamoy siyang alcohol. May tunog ng beeping—mahina, huminga siya ng hangin, pilit inaalala kung paano siya napunta roon. Nasa hospital siya sa alala niya nasa bahay siya at patindi ng patindi ang kirot sa tiyan niya parang may humihiwa sa loob ng tiyan niya. May na alala siyang boses na bumubulong sa tenga niya. “Anna! Huwag mong ipikit ang mata mo—look at me!” "Thunder." Napakapit ang dibdib ni Keonna. Agad niyang inabot ang tiyan niya, hinaplos iyon na para bang kinabahan. Nanginginig ang palad niyang

