Nilakad ko ang madilim at mahabang pasilyo na iyon papunta sa dulo at hindi nag-aalinlangan kung saan-man ako mapadpad nun. Sa paglalakad ko ay napansin kong habang tumatagal ay mas lalong lumalamig ang aking pakiramdam at mas lalong sumisikip ang daan nitong pasilyong ito.
pagdating ko sa dulo nakaharap ko ang nag-iisang pinto kaya naman ay dahan-dahan ko iyong binuksan at isinara rin ng dahan-dahan pagkapasok. Nang tuluyan na akong nakapasok ay inikot ko ang tingin sa pinasukan kong isang lumang silid aklatan, na kung saan dinala ako ng pintong ito.
naglakad-lakad ako sa lumang silid aklatan nang mapagtanto na hindi lang ito isang lumang silid aklatan kung hindi isang lumang-luma na silid aklatan. kung gayon ay napakatagal na pala nang mansiyon nila shie at Nathan, pero sino siguro yung mga totoong may ari nito..?
Dahil sa tagal ng pagtingin-tingin ko sa mga librong ito ay nalaman ko na matatanda na ang mga librong nahawakan ko at ang mga libro na ito ay burado at kupas na rin.
Dumaan ang ilang oras sa paglilibot ko dito, ay may napansin ako na libro na nakabukas at nakapatong sa isang mesa sa gitna mismo ng silid aklatan na ito kaya naman ay pinagpag ko iyon at sinubukang basahin kahit na medyo burado na dahil sa katagalan.
Pagkatapos ko basahin ang libro ay sinara ko iyon at pagkasara ng pagkasara ko ay may bigla nalang akong naramdaman na malamig na hangin na dumaan sa batok ko hanggang sa buong katawan ko. Nakaramdam ako ng takot dahil kahit may mga bintana ay isa sa kanila ay hindi nakabukas. nilibot ko ang buong silid aklatan kaya hindi ako pwedeng magka-mali.
Luminga-linga ako sa paligid ko habang pinagpapawisan ang kamay sa takot, nang may biglang may humila saakin papunta sa likod ng estante at tinakpan ang bibig ko.
Nagpupumiglas ako sa hawak nya pero masyado syang malakas para bitawan ako nang ganun kadali, kaya tumigil na lang ako.
Masaya ako na may tao akong kasama, pero hindi ko alam kung anong gagawin nya saakin kaya mas lalo akong natakot. pero napawi din iyon nang magsalita siya ng pabulong sakin.
"Why are you here?...." bulong ni... N-Nathan
"a-ano ..kasi.." bigla nya ulit tinakpan ang bibig ko.
"Quiet.." bulong nya sa tenga ko.
'pagtapos mo kong tanungin ipapaquiet moko!'
Tumahimik nalang ako at naghintay ng ilang segundo. pero pagkatapos ng ilang segundo na iyon ay may naramdaman ulit akong lamig ng hangin na dumapo sa katawan ko.
It gave shivers down my spine, again..
But this time, may nagsalita na kaso ibang lenguahe nga lang. sumagot si nathan pabalik na hindi ko rin alam na lenguahe kaya hindi ko naintindihan.
At pagkatapos non ay binitawan na ako ni nathan, at pagkabitaw nya ay tumingin ako sa likod ng estante pero walang tao at walang bakas kung saan sya nagpunta.
"Why are you here?" tanong nya ulit nang bumitaw na sya saakin at hinarap ako.
"Ibibigay ko sana ito sayo"...pinakita ko yung jacket sa kamay ko habang nanginginig.
Inabot nya saakin ang kamay nya kaya nagtaka ako.
"B-bakit?.." tanong ko dahil hindi ko maintindihan ang ginagawa nya.
"The jacket.."
"Ah..sorry.." inabot ko yung jacket sa kamay nya.
Tsk, pahiya ako...
Pagkakuha nya ng jacket nya ay pinulupot nya yun ulit sa bewang ko kaya medyo napaatras ako.
Masyadong malapit tol..
"keep it.."
"ano...salamat.. Aalis na ak-" palakad na ako kung saan ako nag-mula nangpinutol nya yung sasabihin ko.
huminga muna siya nang malalim at pinikit ang mga mata bago magsalita pagkatapos nya buksan iyon "Close your eyes..." hinatak nya ako pabalik sa harap nya.
"H-ha?" nagtatakang tanong ko.
"Just ...close your eyes..." sabi nya saakin ng pinapalapit nya ang katawan ko sa kanya.
"s-sige" pinikit ko yung mga mata ko habang sya naman ay nakahawang sa mga braso ko.
Akala ko hahalikan nya ako, kasi kung nagkataon siya ang magiging first kiss ko.
"Dont open your eyes, till i ...say so..." hawak hawak nya parin ang mga braso ko hanggang sa niyakap nya ako habang hinihimas ang likod ko na parang pinapa-kalma nya ako.
"Dont open your eyes yet...."
Pagkatapos nya sabihin iyon ay may naramdaman nanaman ako na malamig na pakiramdam na humampas sa likod ko lalo na sa batok ko, kaya bigla ulit akong kinilabutan.
"Nandito ako.." kalmado nyang sinabi, Like it was the only way to calm me down. Ngumingiti ako sa loob-looban ko pero takot parin ang pinapakita ng mukha ko dahil nakapikit parin ako at hindi alam kung ano ang nasa paligid ko.
"Open you eyes, Irielle.." dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko dahil sa takot na baka may makita naman akong ikakatakot ko.
"Anong-" nagulat ako dahil biglang nasa ibang lugar na agad kami.
"Dont... freak out" sabi ni Nathan habang hinihimas ang kamay ko para pakalmahin ako kung sakali. Yung puso ko tumitibok dahil sa paghawak nya sa kamay ko kaya hindi na talaga ako makapag-Concentrate kung saan ako titingin.
Nung tinignan ko ang mukha nya ay parang nag-aalinlangan sya sa mga pinag-gagagawa nya pero Hinila nya ang kamay ko ng marahan. His reaction and face was the same and nothing changed.
Nag lakad kami sa isang malawak hardin na punong puno ng mga bulaklak at halaman, at dahil mabagal lang kaming naglalaad papunta sa kung saan nya ako dadalhin mula sa hardin na ito ay pinagmamasdan ko ang samu't saring ibat ibang kulay na bulaklak na nakikita ko at madadaanan namin habang naglalakad.
Hawak-hawak nya lang ang mga kamay ko hanggang sa makapunta na kami sa pupuntahan naming lugar at saka nya binitawan ang aking kamay ng tumigil kami sa mala-hari at reynang lugar na sila lamang ang namumuno. Is this for real!! napa-english tuloy ako.
Pagkatigil namin ay hindi parin ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. ISANG HINDI KAPANIPANIWALA NA NASA HARAP KO MISMO.
"Anong-" for the second time....
Pero bago pa man ako makahakbang pa ay bigla nalang akong napaluhod habang nakahawak sa ulo ko dahil pumintig iyon sa sakit at dahil nakahawak naman si Nathan sa balikat at sa baywang ko ay hindi ako nasubsob sa sahig.
"Shit...."mariin si Nathaniel na napamura hangang sa May kinuha siya sa May bulsa nya at tinakip sa May ilong ko, at saka ko lang naramdaman ang init na dumadaloy na dugo mula sa ilong ko.
Nag-nosebleed ako..
"Kaya mo bang tumayo..." Tanong nya sakin pero walang kasinsesinsero at ka-sweetan.
Tumango lang ako sa kanya at saka marahang hinila ang kamay
Ko papalakad ng mabagal.
"Hi kuya Tantan!!" sigaw ng isang lalaki at biglang umakbay sa kanya. Mukha syang mas bata kaysa samin.
"Stop calling me that.." naiiritang sabi ni nathan sa kanya.
"cAuSe ThAtS a LoNg TiMe aGo!. Psh...... You always say that." ginawa nyang nakakainis a tono.
magsasalita na sana si Nathan ng putulin yun ng lalaki.
"Oh! Hi!"
"Hm.." tinignan nya ako ulo hangang paa kaya medyo naconcious ako. Slight lang naman.
"Are you perhaps his.. Girlfriend~~?" pang-iinis nya ulit, pero saakin naman. Hindi naman ako nainis. Slight lang din.
"A-ay hindi, ano lang, magkaibigan lang.." napahawak ako sa batok ko. wala ba syang kaibigang babae para mapagkamalan nya akong girlfriend nito. Hindi na nga kami magkaibigan eh, girlfriend at boyfriend pa kaya?
"Oh..kay" he was teasing us with a teasing smile.
another spokening dollar. nagtatagalog kaya to?
Ano na kaya mangyayari saakin nito kung buong pamilya nya englishero't englishera? Mawawalan ako ng dugo nito. Kung dati nung una naming pagkikita ni shie at ni Nathan na nose bleed ako paano pa kaya ngayon, edi sandamakmak na dugo ang mauubos ko, tapos dagdag mo pa yung kanina. Diba? Edi bongga!.
"And yeah, nakalimutan kong sabihin. Hinahanap ka ata ni lolo" turo nya sa balkonahe ng palasyo. Marunong din pala ito magtagalog eh, pinahirapan mo pa ako!
Tumango lang si Nathan at saka hinawakan ang kamay ko para hilahin paakyat.
Liningon ko yung lalaki kanina at pagkalingon ko ay para siyang tangang naka ngiti nang malaki at kinikilig. Anyare dun?
Habang naglalakad kami sa isang pasilyo again pero open space sya na balcony din.
May nakasalubong naman kami na lalaking Medyo mas matanda naman saamin, hindi sya nakatingin sa dinadaanan nya at patuloy lang naglalakad habang nakatuon ang pansin sa librong binabasa nya.
Pocket book ata yun pero pang mga mayaman at susyal. Mukha din yung luma.
Malapit na kami magsalubong nang bigla syang tumiil sa paglalakad at sinara ang libro nya or pocketbook ng isang kamay lamang at itinaas ang ulo nya para tignan kaming dalawa ni nathan.
Tinitigan ko sya ng matagal at para akong mahihimatay dahil sa pagkainlove, joke lang, Ang gwapo kashii >__'Rielle' " inemphasize nya ang rielle pero hindi ko alam kung bakit.
Tumayo na silang lahat nang..
"Kare wa anata ga sukidesu, kare wa anata ga sukidesu, kare wa anata ga sukidesu" (he likes you,he likes you, he likes you) kumakanta naman si darion habang pumapalakpak.
Makarinig ako ng nagsisigawan...
"Damare!"(shut up) sigaw ni ate rikamaine sa kanya sabay pingot sa tenga ni darion.
"Itai! Sore wa itai! Sore wa itai!"(ouch! It hurts! It hurts!) pilit na tinatanggal ni darion ang kamay ni ate rikamaine sa tenga nya.
Magkapatid nga ata talaga sila..
Rikamaine Harumi Takahashi..
Darion Ryuji Takahashi..
Dahil pangalan palang, ugali,at itsura.
Magkapatid nga talaga sila.
"Anata wa baka bakadesu"(you're a dumb idiot) ng tinanggal na ni ate rikamaine ang pagkakapingot nya kay darion ay nakita ko kung paano mamula ang tenga nya.
"Sore wa itaidesu, anata wa shitte imasu.." (that hurts, you know) si darion.
Japanese ata yung lenguhe nito. Naiintindihan ko yung ibang sinasabi nila, pero hindi lahat.
Hindi ko eksaktong alam kung anong lenguhe sya dahil Sa dami ng Anime, chinese drama, k-drama, manga at bl love story ng mga thai ay hindi ko alam kung saan ko narinig ang mga salitang yun.
basta ang alam ko lang ay yung isa sa mga lenguahe na sinasabi nila ay naiintindihan ko.
"Tigilan nyo na yan.." mahinahong saway ni kuya Anthony
Sa magkapatid.
"Huwag na natin sila pakialaman, pre. dahil away mag-kapatid lang dapat yan" sabat ni kuya xandriel kay kuya anthony, sabay akbay kay kuya anthony habang nakangisi.
Ba't kapag sya yung ngumisi maangas pero yung mga kaklase ko kapang ngumingisi mukhang timang o sira ulo.
"Hinay-hinay sa pagtitig baka matunaw oh!" parining ni hunter.
Alam kong ako yung pinaparingan nila kaya umalis na ako ng tingin kay kuya xandriel.
"Saan tayo pupunta?" tanong ni kuya xandriel.
"Sa silid aklatan" sagot naman ni Evetrine habang naka-akbay saakin.
"Susunod kami ni xandriel.." sabi ni kuya anthony at tinapik ang balikat ni kuya xandriel saka naglakad paalis kasunod ni kuya xandriel.
"Halika Na!" tawag samin ni althea na naka labas na pala ng sala kaya sumunod na kami nila evetrin- evette, ate rikamaine, darion, at hunter.
Pagkasunod namin sa kanya ay napadpad kami sa isang
Mas malaki sa silid aklatan na nakita ko kanina. Itong silid aklatan ay mas malinis, mukhang moderno at maaayos tignan. Hindi sya ganun ka-moderno dahil may pagka luma na din ang iba.
Matapos ko tumingin-tingin sa iba't ibang sulok ng silid aklatan na ito ay may tumawag nanaman samin pero...