“Sandali, anong sabi mo? Namatay ang anak mo? Chen, ibig bang sabihin buntis ka sa anak natin nong umalis ka? Paano nangyari iyon? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi mo sa akin sinabi?” gulat na tanong ni Timothy sabay hawak nito sa kamay ni Chen. “Nakita mo ang ginawa mo? Tinago mo ang pagbubuntis mo sa magiging tatay ng anak mo? Halata naman na nagsinungaling ka, alam mo Chen gumawa ka ng kuwento mali pa.” nakataas ang kilay na sabi ni Sabrina sabay lapit nito kay Chenley. “Ako pa talaga ang sinungaling dito Sabrina? Kung sabagay hindi na ako magtataka dahil ganito palagi ang ginagawa ninyo sa akin noon sa tuwing magsasabi ako ng totoo kay daddy. Ipapalabas ninyo na ako ang sinungaling, na ako ang may kasalanan, na ako ang may mali. Inilayo ninyo ang loob ni daddy sa akin hanggang sa mamat

