One week. Ganon na sila katagal ni Miguel sa isla. Gusto na niyang umuwi dahil namimiss na niya ang mga bata. Although nakakapag-usap naman sila sa cellphone ni Miguel ay hindi parin iyon sapat para kay Jasmin. Ang sabi nito noong una ay walang nasasagap na signal sa isla pero meron pala. Sinabi lang iyon ng lalaki upang wala na siyang choice na umalis. May dala din itong mga gadget na pwede naman daw niyang gamitin, kaya yon talaga ang gamit ni Jasmin kapag namimiss niya ang mga anak. Total ay dinukot naman siya nito at wala naman siyang nadalang gamit kahit isa. Ang sabi ni Miguel ay nasa safe na lugar naman daw ang gamit na nabitawan niya noong araw na kinuha siya ng mga tauhan nito. Ngayon ng nanghihiram ulut siya sa lalaki. "Ganda! Nasa dagat po ikaw? Ang ganda naman po diyan. Ba

