Kinakabahan si Jasmin habang papasok siya ng eroplano. Feeling niya ay bigla nalang susulpot si Miguel sa kanyang likuran. Umalis siya sa condo nito na walang pasabi dahil siguradong ipipilit nito ang ideyang gusto nitong sumama. Hindi pa siya nahihibang para gawin ang bagay na iyon. Nang lumipad ang eroplano sa himpapawid ay saka lang siya nakahinga ng maluwag. Gumawa talaga siya ng paraan upang makaalis dahil nangako siya sa mga anak na uuwi siya ngayon weekends. Tiyak na magtataka ang kanyang ina kapag hindi siya tumuloy sa pag-uwi dahil wala naman siyang inaasikaso sa Makati kundi ang sarili niya. Madaling araw nang nakarating si Jasmin sa bahay nila kaya tulog pa ang mga bata. Tumabi nalang muna siya sa mga ito dahil hindi pa din siya nakakatulog mula kanina. "Okay ka na ba diya

