Tatlong araw ang ilalagi nila Jasmin sa Probinsya bago bumalik sa syudad. Kaya susulitin niya ang mga araw na nasa probinsya pa sila. Namiss niya ang simoy ng hangin sa kanilang lugar at ang preskong paligid. Dati kasi kapag umuuwi siya dito ay wala na siyang oras pa para lumabas o kaya ay sulitin ang pag uwi dahil lahat ng kanyang oras ay ibinibigay niya sa kanyang mga anak. Isa pa ay isang araw lang din ang pananatili niya. Dahil kailangan agad niyang bumalik sa Makati para sa trabaho. Pero ngayon ay may oras sila ni Miguel na maglakad-lakad sa gilid ng dagat. May dagat kasi hindi kalayuan sa kanilang bahay. Kasama nila ang apat na bulilit at nagtatakbuhan ang mga ito. May dala din pala silang baon para sakaling magutom sila. Maya-maya kapag hindi na masyadong mainit ay maliligo sila sa

