Umaga palang ay aligaga na si Jasmin. Uuwi kasi siya ngayon ng probinsya para kunin ang mga anak niya. Sobrang nangulila talaga siya sa mga bata kay humilinh siya kay Miguel na umuwi muna. Pero ang sabi nito ay pwede na daw nilang sunduin ang apat kaya sobrang excited niya. Ilang saglit lang ang lumipas ay nasa eroplano na sila. Private plane ang sinakyan nila dahil iyon ang gusto ni Miguel. Ayaw daw nitong makipag siksikan siya sa airport dahil buntis siya. Minsan ay napapaikot nalang niya ang mata sa sobrang protective nito. Natatawa nga siya dahil kahit guard sa bahay nila ay pinagbababawalan nitong manigarilyo sa labas. Naiintindihan naman niya si Miguel dahil last check up nila ay sinabihan siya ng doctor na mag-ingat dahil medyo risky ang kanyang pagbubuntis. Hindi naman malala p

