Gabi na nang makarating sila sa bahay ni Miguel. Hindi pala bahay kundi mansion! Sobrang taas ng gate at ang daming bantay sa labis. Akala mo naman presidente ng bansa ang nasa loob ng bahay. May pinindot ang lalaki na parang remote upang kusang bumukas ang baka na gate. At napanganga siya sa malaking mansion nang tuluyan iyong bumukas. A Spanish era mansion with a touch of old style design. Parang bahay sa ibang bansa na tinitirahan ng mga duke an dutch. Napa wow talaga siya sa sobrang ganda. Parang hindi na yata nagkikita ang mga tao sa loob dahil sa sobrang laki. "M-miguel? Sigurado ka bang dito mo patitirahin ang mga bata?" nag aalangan niyang tanong. Kumunot ang noo nito. . "Why? Ayaw mo ba? Hindi mo nagustuhan? I have another house in Forbes Park." Naguguluhan nitong sabi.

