Pagkatapos ng kanilang kasal ay magpaiwan muna sila ni Miguel sa isla. Ang gusto ng ina nito ay sa ibang bansa sila mag honey moon pero iginiit nilang mag-asawa na dito na sila sa isla. Ang unang rason ay ayaw niyang maiwan ang baby niya ng matagal. Limang buwan palang kasi ito kaya pinili niyang hindi na lumayo. Para sakaling may problema ay madali silang makakauwi. Matapos ang reception sa araw ng kasal nila ni Miguel ay umuwi din ang mga bisita kinabukasan. Pati ang mga magulang ni Miguel at magulang niya ay umuwi na din. Kasama ng mga ito ang limang anak niya pati ang tatlong yaya ng mga ito. Ayaw niya sanang ipa-iwan ngunit ang sabi ng ina ay panahon naman daw nila itong mag asawa kaya huwag daw muna niyang isipin ang anak at sila na muna ang bahala. Ngayon ay sila nalang ulit dal

