Kinaumagahan ay maagang nagising si Jasmin. Nagluto siya ng breakfast para sa pamliya at at naligo ng maaga. May pasok siya ngayon sa Rainbow City. Ang school na pinatayo niya one year ago. Daycare center iyon na hindi gaano kamahalan ang tuition pero maganda ang pamamalakad. Sobrang proud ni Jasmin nang matapos iyong maipatayo. May apat na rooms, may medyo kalakihan Playground. Teacher's faculty at may isang opisina. May limang teachers din maliban sa kanya na nagtuturo sa mga bata. Kaya kahit minsan ay busy siya may papalit agad sa kanya na hindi na siya namomroblema. "Goodmorning wife." si Miguel na kakagising lang at humalik agad sa kanyang leeg. May kasama pang pagsinghot iyon ng mga ilang segundo. "Ang bango, hmm.." bulong pa nito bago siya niyakap. Nasa harap siyang kalan at na

