MIGUEL- "Bakit po ikaw hindi nagsasalita?" hindi parin siya sigurado kung sino sa dalawang batang babae ang nagtanong. Lalo na ngayon na magkatulad pa sila ng damit na suot. "I-I..God, I'm speechless." Naibulong niya sa sarili sabay hawak sa ulo niya pero narinig iyon ng apat. "Hala, sumakit yata ang ulo ng daddy pogi natin." Bulong ng batang lalaki.Napabitaw tuloy siya sa ulo at napaayos ng pantay sa mga ito. s**t! Bakit ba wala siyang masabi? "Hey.. Uhm.. Hi? Do you want to go to the mall?" nasabi niya bigla sa kawalan ng sasabihin. Mall agad? Hindi pa kayo nagkakilala, Miguel! Pero nang makita niya ang pagkislap sa mga mata ng mga bata ay bahagya siyang nakahinga ng maluwag. "Opo! Gusto ko puntahan yong mall na binilhan ni ganda ng daddy! Ang bilis niya magdeliver! Mas mabil

