Nang araw na iyon ay mag-isa si Jasmin sa bahay ni Miguel. Pumasok ang lalaki sa opisina nito nang maaga at hindi nga niya naabutan. Tulog pa siya ng umalis ito dahil sobrang late na niyang nagising. Hindi niya din alam kung bakit lately ay late na talaga siyang nagigising. Palaging pagod ang pakiramdam niya ata mabigat. May ilang pagkakataon pa nga na gusto nalang niyang matulog buong araw kahit kakagising lang naman niya. At dahil lunch na ngayon ay naisipan niyang gumawa ng snacks. Wala siyang gagawin buong araw kaya mag be-bake nalang siya ng cookies at dadalhin niya ang iba kay Miguel. Ngunit bago siya kumilos sa kusina ay tinawagan muna niya ang mga anak. Sa susunod na linggo ay uuwi siya ng probinsya para makasama ang mga ito. "Ganda!" si Red na una niyang nasilayan ang noo sa c

