Pagpasok niya sa kwarto ay may nakita siyang nakapatong na Dice Board sa kama. May dalawang dice cube sa ibabaw ng board. Kumunot ang noo ni Jasmin pero hindi siya nagpahalata. Totoong maglalaro sila? Akala pa naman niya ay ano na..Lumakad siya papunta sa lalaki na naghihintay sa kanya sa kama. Naka sando at boxers lang ito kaya kitang-kita ni Jasmin ang nagyayabang nitong malapad na balikat. "Are you ready?" "Ano ba yan? Seryoso? Iyan ang gagawin natin?" na-aalangang tanong niya. Disappointed yarn Jasmin? "Yes. This is very exciting." ani pa ni Miguel. Nagkibit lang siya ng balikat at hindi na umimik. Kesa nga naman mainip sila na walang ginagawa ay sasakyan nalang niya ang trip ng kumag na ito. Balikad ang dice board kanina pagpasok niya kaya laking gulat ni Jasmin ng bigl

