Isang buwan mula nang manganak si Jasmin ay medyo nakaka recover na siya. Nagsimula na silang mag ayos ni Miguel para sa makalapit nilang kasal dahil hindi na daw ito makapag hintay na maging official silang mag-asawa. Kumbaga mag-asawa lang kasi sila sa papel at hindi sa harap ng diyos. Nasa nursery sila ngayon at nakatingin sa crib ng natutulog na sanggol..Nandito din ang Lolo at Lola nito pati mga magulang niya. Ang nanay niya ay bumyahe pa mula sa probinsya para makita ang panglimang apo. Ang apat naman nasa playhouse at naglalaro kasama ang pinsan ng mga itong harry. Halos magkakaedas lang ang mga ito kaya nagkakasundo. "Apo..Ang ganda-ganda ng ating apo. Diba balae?" Ani ng nanay niya sa ina ni Miguel. "Tama ka diyan balae. Tingnan mo oh, ang cute-cute at Ang sarap yakapin." sa

