LUNCH. Nagulat nalang si Jasmin nang makita ang bulto ni Miguel sa kanyang likod ng mga oras na iyon. Tanghalian pa at nagluluto palang siya ng pagkain ng mga bata. Kakatapos lang ng tutor session ng mga ito kaya gusto niyang ipagluto ng masarap dahil naging very good ang quadruplets. "M-miguel? What are you doing here?" nagtataka niyang tanong. Hindi pa naman uwian ngayon kaya labis siyang nagtaka talaga. "I just missed you." Nakangiting turan nito. Saka niya napansin ang hawak nitong bulaklak sa kamay. Sobrang gwapo din talaga ng lalaki habang may simpatikong ngiti sa mukha. Nakakapanghina talaga ang presensya nito. Namula ang kanyang mukha nang ibigay iyon ng lalaki sa kanya. "For the most beautiful mommy in the whole wide world." he said. "Tse, nangbola ka pa ha. Pero salama

