Gumising si Jasmin na mag isa ulit sa kama. Tatlong araw na yatang hindi umuuwi ang lalaki sa condo nito at hindi niya alam kung saan ito nagpunta. Mula ng makita niya ito sa mall noong isang araw ay hindi pa ito umuuwi. May kahungkagan siyang naramdaman pero ayaw niya iyong bigyan ng atensyon. Wala naman siyang dapat pakialam kung saan ito pupunta dahil unang-una wala siyang karapatan. Baka nasa condo ng babaeng kasama nito? Ipinilig niya ang ulo at tuluyan nang bumangon. Kailangan na ulit niyang maligo ng maaga dahil papasok pa siya sa trabaho. Kung hindi parin ito uuwi pagkatapos ng isang linggo ay uuwi na siya sa inuupahan niyang bahay. Kakahiya naman kung mananatali siya sa condo ng lalaki kung naputol na pala ang ugnayan nila. Pinutol na nito. Nang makapasok sa skwelahan ay a

