“WOW! This is a paradise!” buong paghangang sabi ni Tamara habang inililibot ang tingin sa paligid. Puro berde, puti at asul ang makikita sa paligid habang nakatapak ang kanilang mga paa sa maputi at malambot na buhangin. Marami na silang napasyalang naggagandahang mga bansa pero iba pa rin talaga ang ganda ng Pilipinas.
Napangiti na lang si Laura sa narinig. First time ni Tamara sa Palawan kaya natural lang na maging ganoon ang reaksiyon nito. Siya naman ay maraming beses nang nakarating sa Palawan pero first time niya sa sikat na Club E Resort sa Palawan.
Na-informed na ni Laura ang staff ng resort na kasama niyang darating si Tamara kaya mismong ang manager at ilang staff ang sumalubong sa kanila. Idinaan sila ng mga ito sa gilid na bahagi ng hotel at dumiretso kaagad sila sa tutuluyan nilang room para makaiwas sa mga tao sa reception area.
Bahagyang binago ni Tamara ang physical look nito para hindi ito kaagad makilala ng mga ito. Ang dating brownish nitong buhok na maikli ay pinaitiman nito at pinalagyan ng extension. Pinaahitan din nito ang mga kilay kaya nagmukha itong mataray. Gayunman, madali pa rin itong makikilala kung titignan nang mabuti. Mabuti na lamang at walang nakakilala kay Tamara sa airport kanina kaya naging maayos at hindi naabala ang naging biyahe nila.
Kaagad nai-serve ang early lunch nila sa terrace ng hotel. Pareho silang nagtakam ni Tamara nang makita ang alimango, steamed lapu-lapu at stuffed pusit. Dahil parehong gutom na. Kaagad na kumain sila.
Naging topic nila si Johannes habang kumakain. Ikinuwento ni Laura ang ginawang paghalik sa kanya ng binata sa gallery nang huli silang magkita. “Really? What did you do? Sinampal mo ba s’ya?”
“No, I didn’t. I actually kissed him back. Gusto ko kasing malaman kung may mararamdaman ako kapag hinalikan ko siya.”
“Johannes is a good kisser, Laura. Bato ka kapag wala kang naramdaman kung hinalikan ka niya,” natatawang sabi ni Tamara habang nagbabalat ng alimango.
“Yes, he is! His kisses are amazing. Siguro kung hinalikan niya ako noon pa man, baka siya ang naka-devirginized sa akin. Ang kaso, nakilala ko nga ng personal si Lance. Yes, I like his kisses. Pero hanggang doon lang ‘yon dahil hindi siya si Lance. I can’t love him back.”
“Same,” sabi ni Tamara. “We made out many times pero hindi ko talaga nagawang isuko ang sarili ko kay Johannes. Kasi lagi kong naaalala si Ethan. So, anong nangyari matapos n’yong mag-kiss?”
“Kagaya mo rin. We kissed for two minutes or more yata pero ako rin ang unang tumigil. Itinulak ko si Johannes dahil bigla kong naalala ko si Lance. Pakiramdam ko nag-cheat ako sa kanya. Pinaliwanag ko kay Johannes ang tungkol kay Lance. Naintindihan naman niya at hindi na raw n’ya ipipilit ang sarili n’ya sa akin.”
“Johannes is a good man and very understanding. Let’s just hope and pray na matagpuan na niya kaagad ang babaeng talaga mamahalin siya.”
“Right.”
Kung saan-saan pa napunta ang topic nila habang patuloy pa rin sila sa pagkain. Naunang natapos si Laura. Kinuha niya ang DLSR camera sa kuwarto at nagsimulang kuhanan ng litrato ang paligid.
Nakasilip sa lens ng camera si Laura at kinukuhanan ng litrato ang asul at payapang karagatan nang muling magsalita si Tamara.
“I think I can live here forever,” sabi nito habang inuubos ang dessert na buko salad at nakatanaw din dagat.
Natigilan si Laura sa narinig. Ethan and his family owned the resort. The E stand for Escobar in Club E Resort. Hindi niya alam kung alam iyon ni Tamara. Malamang ay hindi dahil siguradong tumutol na ito noong una pa lamang niyang sinabi na doon sila pupunta. Wala siyang motibo kung bakit sa dinami-rami ng resort sa Palawan ay doon niya napiling pagbakasyunan nila. Pinili niya ang resort dahil sa magandang review at maraming magagandang amenities. Idagdag pa na may kamahalan ang resort at hindi peak season kaya inaasahan niya na kakaunti lang ang bisita na makakasaluha nila ni Tamara.
Minabuti ni Laura na hindi na tanungin si Tamara dahil baka biglang sumama ang mood nito o kaya naman ay bigla itong magdesisyon na umalis sila sa resot.
“Inaantok na ako,” kapagkuwan ay sabi ni Tamara. Sa wakas ay natapos na itong kumain. “I’ll just take a shower at matutulog ako. Ikaw?”
“I’ll walk around,” sabi ni Laura habang patuloy pa rin sa pagkuha ng litrato. “Tumawag ka muna sa reception bago ka mag-shower.”
“All right,” tugon ni Tamara at tumayo na.
Sandali pang kumuha ng litrato si Laura.
Matapos makuha ng staff ang pinagkainan nila ay bumaba na sa reception si Laura dala ang camera niya. Kasalukuyan pa ring nasa banyo si Tamara nang iniwan niya.
Walang nakitang tao si Laura sa beach. Tirik ang araw pero hindi naman iyon masakit sa balat. Sandaling kinuhanan niya ng litrato ang paligid bago nagtungo sa bandang likod ng resort. Nakarating siya sa kinaroroonan ng mga log house. Nag patuloy siya sa pagkuha ng litrato. Kapagkuwan ay natigilan siya nang marinig ang malakas na tawa ng isang lalaki. Naglakad pa si Laura at nakita niya ang isang pares ng babae at lalaki na naglalambingan sa duyan. The couple was around her age. Subalit napahinto siya nang makita ang mukha ng lalaki. Malaki kasi ang pagkakahawig ni Lance sa lalaki.
“Oh, please, Lance. Hanggang dito ba naman. Susundan mo ako,” inis na usal ni Laura sa sarili.
Anyong aalis na si Laura nang biglang magsalita ang lalaki na nakita rin si Laura.
“Miss!” tawag nito.
“Yes?” sagot ni Laura. Hindi niya napigilan ang sarili na lumapit para mapagmasdan nang husto ang mukha nang lalaki.
“Pwede mo ba kaming kuhanan ng picture ng asawa ko? Magbabayad ako,” sabi nito nang makalapit si Laura.
“Love, nakakahiya,” sita ng babae na may maamong mukha at mukhang mabait.
“It’s okay,” mabilis niyang sabi. “Naglilibot talaga ako para kumuha ng picture,” nakangiting tugon niya. “Newly wed?” tanong pa niya.
Halos sabay na umiling ang mag-asawa.
“We’re married already. May isa na rin kaming anak. We’re here just to take a vacation. I’m Fran by the way and this is my wife Angela. And you’re?”
“Laura.” Kaswal na nakipag-share hands siya sa mag-asawa.
Napansin niya na bukod sa hugis ng mukha, kapareho ng mga mata at kilay ni Lance si Fran kaya niya napansin na magkahawig ang dalawang lalaki.
“Filipino ka rin?” tanong ni Angela.
“Yup. Hindi halata, no?”
“Oo. You look like a foreigner na magaling magsalita ng Tagalog.”
“Sabi nga nila.” Bahagyang lumayo si Laura para kuhanan na ng litrato ang mga bagong kakilala.
“Ready?” tanong niya at itinaas na ang camera.
Kumilos ang mag-asawa at nag-pose. Sunod-sunod ang naging pagpindot ni Laura sa camera. Matapos ang tatlong pose ng mga ito ay inutusan ni Laura si Fran na tumayo sa likuran ni Angela. Kaagad naman itong sumunod. Matapos ang ilang shot ay sinabihan ni Laura na tumingin ang mga ito sa isa’t-isa.
Marami pang pinaggawang pose si Laura sa mag-asawa. Game na sumunod naman ang dalawa.
Nag-enjoy din si Laura sa pagkuha ng litrato. The couple was looked good together in her lens. Bagay na bagay ang dalawa dahil parehong maamo ang mga mukha ng mga ito at halatang in love na in love sa isa’t –isa.
“Wow!” bulalas ng mag-asawa nang ipakita niya sa mga ito ang mga kuha niya pagkatapos.
“Are you a professional photographer or something?” tanong ni Angela.
“Yes, am. But I am based in London. Nandito kami sa Pilipinas ng kaibigan ko para magbakasyon.”
“Cool. We found you, ang swerte naman namin. You must be a good photographer, Laura,” sabi ni Fran habang patuloy pa rin sa pagtingin sa mga litrato. Ito na ang may hawak ng camera.
Ngumiti lang si Laura.
“So how much we owe you?” kapagkuwan ay tanong ni Fran at ibinalik na ang camera kay Laura.
“Oh, it’s free. Sandali n’yo lang naman akong naabala. It’s okay.”
“Really?”
“What about dinner or lunch tomorrow with us? Kayo ng kaibigan mo?” sabi naman ni Angela.
“Uhm…I’ll ask my friend first. But it’s really okay. It’s nothing. Ise-send ko na lang sa email n’yo ang mga pictures later.” Inilabas ni Laura ang kanyang cell phone. Matapos makuha ang cell phone number ni Angela ay tinawagan iyon ni Laura para makuha naman nito ang number niya.
Nang ma-received ni Laura ang email address ni Angela sa text ay nagpaalam na si Laura sa mag-asawa.
Nagpatuloy sa pagkuha ng litrato si Laura sa paligid. Nakarating siya sa lagoon kung saan matatagpuan ang iba’t-ibang species ng mga ibon, butterflies at malalaking harmless lizards nasa gawing likuran ng hotel. Doon nagtagal nang husto si Laura sa pagkuha ng mga litrato.
Mahimbing na natutulog si Tamara sa kama nang magbalik si Laura sa hotel room nila. Dumiretso sa banyo si Laura at naligo. Matapos mai-send ang mga pictures sa email ni Angela, tinabihan niya si Tamara sa kama at natulog na rin.
Madilim na nang magising si Laura. Gising na rin si Tamara at may mga staff ng naghahanda ng dinner nila sa terrace. Subalit matapos nilang kumain ay kaagad na nag-impake si Laura para umuwi sa Germany matapos makatanggap ng tawag mula sa kanyang kapatid. Ayon kay Dylan ay naaksidente ang kanilang daddy. Ligtas na ito sa panganib subalit hinahanap nito si Laura. Nagsabi si Tamara na sasama subalit hindi pumayag si Laura. Iginiit niya na tapusin nito ang bakasyon at sumunod na lang sa kanya sa Germany.
----------------------
More or less 70 chapters po ang haba ng story nina Lance at Laura. Kung gusto n'yo pong mabasa ang mas advance na mga chapters, please follow me on n*****h. Download n'yo lang po sa Play store at i-install ang app. Search "Still You" or my pen name "Rieann." Please rate and leave a comment na rin po. Thank you in advance. :)
https://play.google.com/store/apps/details?id=com.novel.novelah