NANINIWALA si Laura na nasa ligtas at nasa maayos na kalagayan si Tamara. May mga araw talaga na hindi sila nag-uusap ng kaibigan lalo na kapag pareho silang abalang-abala sa trabaho. Sigurado siyang tatawagan siya nito kung kailangan nito ng tulong niya. Gayunman, hindi pa rin niya maiwasang mag-aalala lalo dahil tatlong araw na silang walang balita rito.
“I’m sorry, wala pa rin akong balita kay Tamara,” apologetic na sabi ni Demay nang mag-video call sila nang umagang iyon. Isa si Demay sa mga kaibigan na pinagtanungan ni Laura sa paghahanap kay Tamara. Sinadya talaga niyang kontakin si Demay at ipaalam dito ang nangyari dahil maraming sources ang kaibigan niya na maaring may alam sa kinaroroonan ni Tamara. Nangako naman si Demay na hindi ilalabas sa publiko ang pagkawala ni Tamara.
“It’s okay. I understand,” aniya na sinundang ng buntong-hininga.
“Don’t worry. Magtatanong-tanong pa rin ako. Kung hanggang bukas wala pa rin tayong balita, ako mismo ang pupunta sa Palawan para magtanong-tanong,” sabi pa ni Demay.
“All right. Thank you.”
Anyong tatapusin na ni Demay ang video call nang biglang sumagi sa isip ni Laura si Lance. Hindi na nakatiis na tinanong niya rito kung alam nito ang kinaroroonan ng binata.
“Nandito si Lance sa Pilipinas,” tugon ni Demay. “Noong isang araw lang nag-dinner kami with Marckie. Hindi na s’ya nag-renew ng contract sa pagmomodelo sa New York at magbubukas sila ng business with his cousin Francine.”
“I see. I have to talk to him in person. Alam mo ba ang complete address n’ya sa White Plains?”
“Hindi, eh. But I can ask Marckie. Ipi-pm ko na lang sa ‘yo ang buong address n’ya kapag nakuha ko na.”
“Thank you.”
“Welcome. Next time na lang kita iintrigahin kung bakit mo hinahanap si Lance kapag nahanap na natin si Tamara. Bye, Laura,” sabi ni Demay at tinapos na ang video call.
Hindi maiwasang mapangiti ni Laura sa narinig. Masaya rin siya sa nalaman na nasa Pilipinas lang si Lance at ginawa nga nito ang mga plano nito.
Makalipas ang ilang minuto, nakatanggap naman ng mensahe si Laura mula kay Daena. Tinanong nito kung tumawag na sa kanya si Tamara o kung may balita na siya sa kinaroroonan ng pinsan nito.
Imbes na sumagot sa mensahe. Minabuti ni Laura na makipag-video call kay Daena.
“Do you think she’s fine?” tanong ni Daena matapos niyang sabihin na hindi pa rin siya kinokontak ni Tamara at wala pa rin siyang balita sa pinsan nito. “I can’t forgive myself kapag may nangyaring masama kay Tammy,” naiiyak nang sabi ni Daena.
“Don’t blame yourself, Daena. Wala ka namang masamang intensiyon sa ginawa mo. Miski man ako gusto ko na ring maayos ang relasyon ni Tamara sa parents n’ya. I’ll do the same sa ginawa mo kung may pagkakataon lang ako. And yes, I believe Tamara is safe. May time talaga na gusto ni Tam na magmukmok o magtago kapag naiinis s’ya. She can take care of herself. Don’t worry too much. I believe tatawagan din tayo ni Tam one of these days.”
“Okay. But if until tomorrow morning, wala pa rin tayong balita kay Tamara. Magre-report na ako sa mga pulis at hihingi ng tulong para mahanap siya,” sabi ni Daena
“All right. I’ll be there as soon as possible kapag wala pa rin tayong balita kay Tam until tomorrow,” tugon ni Laura.
“Thank you.”
Matapos ang video call ay inabala ni Laura ang sarili sa trabaho. Kailangan na niyang matapos iyon para kung sakaling kailanganin niyang magtungo sa Pilipinas ay walang magiging sagabal sa pag-alis niya. Hinayaan lang niyang nakabukas ang wifi sa kanyang cell phone para madali siyang mako-contact ni Tamara o ni Daena.
Hindi pa man ngangalahati si Laura sa pag-e-edit ng mga picture nang biglang tumunog ang kanyang cell phone. Itinigil niya ang ginagawa at dinampot ang cell phone. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang nagre-request ng video call si Tamara. Kaagad namang tinanggap ni Laura ang request.
“Hi, Laura! How are you?” nakangiting sabi ni Tamara.
“Bruha ka! Ikaw ang kumusta. Where the hell are you? Pinag-alala mo kami. Are you okay?” relieved sunod-sunod niyang sabi.
“Sorry. Yes, I’m okay. I’m still in Palawan.” Sandaling inilayo ni Tamara ang cell phone sa mukha nito at tinapat ang camera sa likuran nito.
Tumambad kay Laura ang kalmadong asul na dagat at puting buhangin. Nakahinga siya nang maluwag sa nakita at sa nalaman na safe ang kaibigan niya.
“Saan sa Palawan ka naroon?” tanong ni Laura nang muling makita si Tamara sa screen.
“Sa Jason Paradise. It’s a semi private island resort. But I am not alone. Kasama ko rito si Ethan.”
Nanlaki ang mga mata ni Laura sa narinig. “What? Si Ethan Escobar na ex mo?”
“Yup. It’s him. My Ethan. We’re okay. Nagkabalikan na kami.”
“Really? How it happened?”
“We meet here accidentally. Sa family friend nila itong island resort. Kinontak ka ba ni Daena at sinabi ang dahilan kung bakit ko sila iniwan sa resort?” tanong ni Tamara.
“Yes. She’s also worried about you.”
“Tatawagan ko s’ya mamaya. Anyway, dito ako napadpad nung umalis ako sa Club E. And ‘yun nga aksidente kaming nagkita ni Ethan dito. We talked. Inaway ko s’ya at inamin ko ang feelings ko sa kanya. Sinabi ko rin na hindi pa ako nakaka-move on at hindi ko pa siya nakakalimutan.” Sandaling tumigil si Tamara sa pagsasalita nang mamasa ang mga mata nito. “You know what? The feeling is mutual. Hindi pa rin pala ako nakakalimutan ni Ethan. He still in love me. I slept with him. And we’re okay. Nagkabalikan na kami.”
“Really?” nagawa na lang sabihin ni Laura. She was really surprised.
“Yes. I’m not dreaming.” Nagpahid ng mga luha si Tamara.
“Pero may girlfriend si Ethan, ‘di ba?” tanong ni Laura.
Masaya siya sa ibinalita ni Tamara. Gayunman hindi niya maiwasang pagdudahan ang sinabi nito na mahal pa rin ito ni Ethan at hindi pa rin nakaka-move on. It had been years magmula nang magkahiwalay ang dalawa. At girlfriend ni Ethan ang supermodel na si Celine na minsan na ring naka-date ni Lance at pinagselosan niya.
“Break na sila. Nandito si Ethan sa Palawan kasi may tinakasan s’ya sa Manila. He was hurt. He caught his girlfriend cheated on him.”
“What?” Mas lalong nag-alala si Laura. It was clear that Tamara was just a rebound.
“It’s true. But there’s something you need to know, Laura,” patuloy ni Tamara.
“Ano ‘yon?”
“Ethan was hurt because he caught his girlfriend and his best friend having an affair. Si Lance ang kasama ni Celine nang mahuli ni Ethan.
Hindi nakapagsalita si Laura at nabitiwan ang cell phone.
-------------------------------
Marami pong salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa story nina Lance at Laura. Pero gaya po ng nasabi ko, hindi ko po ipo-post dito ang buong story nila. Kung gusto n'yo pong mabasa ang complete story please follow me on n*****h app. Libre n'yo pa rin naman pong mababasa. Just search "Still You" or my new pen name Rieann. Doon n'yo rin po mababasa ang iba pang story ng Offsprings 21 Barkada soon. Please rate, comment and give me TIPS na rin po for FREE. Thank you in advance. Here's the link... https://tinyurl.comieann-stillyou