02

2753 Words
Struggle ako sa pagbuhat sa stranger na lalake papunta sa loob ng Apartment ko. Ang bigat nya kasi tapos ang tangkad pa. Inihiga ko sya sa sofa, mabuti nalang at manipis na kutson lang yun. Super wet pa naman sya. Tinitigan ko sya at naglakad ako ng pabalik balik. Iniisip ko kung ano ang gagawin ko. "Tawagan ko kaya si Theo pero baka tulog na yun. Saka ang layo pa ng ibabyahe nya tapos masama pa ang panahon. Pano ito? Anong gagawin ko sa lalakeng to?!!" Napasabunot nalang ako sa buhok ko. "Bakit ka kasi dito sa Apartment ko pumasok?!" Kasi iniwan kong bukas ang gate kaya sya nakapasok. So kasalanan ko pa kung bakit may stranger na pumasok dito. Kasalanan ko din kung mamaya pagising nya ay may gawin syang masama sakin. "Ahh." Napatingin ako sa lalake ng bigla itong magsalita. Base sa reaction nya para syang nasasaktan. Napatitig ako sa mukha nya na gwapo pala. Nilapitan ko sya at bahagyang yumuko para matitigan ang mukha nya. "Ang gwapo mo pala Mister." Ang tangos ng ilong nya. Ang kapal ng kilay, at ang lips nya ay pamatay ang hugis at ang kissable pang tingnan. Hulmang hulma din ang panga nya. Inalis ko pa ang kunting buhok na tumatama sa pisngi nya. "Ang kinis naman ng mukha mo Mister, walang kapores pores. Siguro thanks to Korean products ka. Tss." "Ahh." Napapitlag ako sa daing nya. Malalim din ang pagkakunot ng kilay nya at nagtatangis ang bagang nya. "Baka dahil sa sugat nya to. Wala pa naman akong data para isearch kung anong dapat kung gawin. Amf! Bahala na nga!" Napansin ko din na nanginginig ang kanyang katawan. Hinawakan ko ang kanyang noo. "Hala ang init mo Mister! Nilalagnat ka na!" Agad akong kumuha ng bimpo saka cold compress sa may kwarto ko. Kumuha din ako ng tshirt na malaki saka kumot at unan. Nakita ko din ang Kool Fever na nasa ibabaw ng study table ko. Bakit nga pala yun nandun? Hindi ko matandaan. Nagpalit nadin ako ng damit dahil basa din pala ako. Agad kong hinubad ang suot na leather jacket ni Mister. "Ang bigat naman nito. Mukha ding maharlika." Sinunod kong alisin ang kanyang puting tshirt. Napanganga ako ng makita ko ang malabato nyang sikmura at malapad nyang dibdib. Shet! Ang ganda ng katawan! "Kelangan ko yata ng palaman." Napapalunok ako dahil sa ganda ng view ko. Ang perfect naman masyado ni Mister, gwapo na macho pa. Unti-unti ko din syang pinunasan. Kinuha ko ang kumot at itinakip sa katawan nya. Nanginginig ang mga kamay ko habang inaalis ang belt nya. Ingat na ingat ako dahil baka may matamaan akong siling labuyo katulad ng kay Theo. Hindi ko pa naman yun nakikita pero feeling ko parepareho lang sila na siling labuyo yun. Inalis ko din muna ang suot nyang Gucci Shoes na Itim. Maharlika din ito ah. Struggle din ako sa paghubad ng kanyang pants. Ang haba kasi ng legs nya. Malalim na buntong hininga ang hinugot ko bago kapain at hawakan ang kahuli hulihang suot nya. "Brief o Boxer or nothing?" Tanong ko sa sarili ko. Dahan dahan kong kinapa ang bandang pelvis nya at may nahawakan akong garter. Nakaramdam ako ng relief dahil may suot sya. Ibinaba ko kunti at naramdaman ko ang manipis na tela. "Hmm. Mukhang Boxers." At hinila ko na ng mabilisan. At nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang color Gray nyang Boxer shorts. Pinagsama sama ko ang mga basa nyang gamit. Inumpisahan ko na ulit syang punasan ng bimpo. Nakikita ko ang pagkunot ng kanyang noo sa bawat dampi ng bimpo sa katawan nya. Kumuha ako ng towel para tuyuin din sya. Narinig ko ang bahagya nyang pag-ungol. Napahinto ako dahil dun. Hindi naman sya gumising. Isinuot ko sa kanya ang Tshirt ko na may print na Attack on Titan. Hinayaan ko lang ang kumot sa kanyang katawan dahil alam kong bold sya dun. Inilagay ko sa noo nya ang Kool Fever saka ko sya tinulak patalikod sakin. Tiningnan ko ang ulo nya at tinapatan ko ng flashlight ng phone ko para makita ang sugat. Nilagyan ko nalang ng Betadine ang gauzepad saka ko itinapal sa sugat nya. Naglagay ako ng 2 Biogesic saka isang basong tubig sa may center table in case na magising sya mamaya. At naglagay din ako ng Jersey Short baka kasi magulantang ang mundo nya kapag nakita nyang wala syang saplot sa baba, baka isipan nyang pinagsamantalahan ko sya kahit hindi naman. Slight lang sa bandang may abs lang. Hihi. Nagtoothbrush na ako saka uminom ng isang basong tubig bago pumasok sa kwarto. Feeling ko pagod na pagod ako dahil sa nangyari at feeling ko naubos ang lakas ko dahil kay Mister Stranger. Agad akong bumagsak sa kama, naririnig ko pa ang buhos ng ulan mula sa bintana ng kwarto. "Dudnyt Lord. Thank you for this Day." And I let myself fall into deep slumber. ?Yureta yuganda sekai ni dandan boku wa Sukitootte mienakunatte... Mitsukenai de, boku no koto wo. Mitsumenaide. Dare ka ga kaita sekai no naka de Anata wo kizutsuketaku wa nai yo. Oboete te boku no koto wo.? Nagising ako dahil sa ingay ng ringtone ko. Kinapa ko ang cellphone ko at pinatay ito. Ipinikit ko ulit ang mata ko dahil inaantok pa ako pero nagring na naman ang cellphone ko. Naiinis na sinagot ko ang tumatawag. "Hello! Natutulog pa yung tao!" "Hoy Riley Maven Sta. Maria! Anong oras na? Diba magkikita tayo ng alas tres? Alam mo ba kung anong oras na??!" "S-sino to?" "Anak ka ng Nanay mo oh! Alas kwatro na! Sasabunutan kita sa buhok mo sa baba kapag wala ka pa dito in 30 minutes!!" "Kei dot. Eto na gigising na. Istorbo mo naman at FYI wala akong buhok sa baba. Hehe." "Lagot ka sakin mamaya pagdating mo dito!" Ibinaba na ng kausap ko. Iniisip ko padin kung sino yung kausap ko. Napatingin ako sa kisame at tumunganga ng ilang minuto saka tiningnan ko ulit ang phone ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong Alas kwatro na. Agad akong bumangon at inayos ang kama ko. "Ang bobo mo Riley! Hindi ka na naman nag-alarm!" Tiningnan ko ang mga missed calls ni Phoebe. Sya pala ang kausap ko kanina. May usapan nga pala kaming magkikita ngayon ng 3 pm. "Sorry na Phoebe." Agad akong kumuha ng damit na isusuot ko sa lakad namin ni Phoebe. May pupuntahan kaming gig ng 6 tapos diretso na ako sa Bar after nun. Alas dies pa naman ang pasok ko sa Bar. Naglagay na din ako ng extrang tshirt sa bag saka yung bomber jacket ko na kulay Maroon. Nabili ko pa yun sa Penshoppe. Itinali ko muna ang mahaba kong buhok saka kinuha ang towel para maligo na. Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kusina para magtoothbrush nang may isang matangkad na lalake na nakatalikod na may bandage sa ulo ang nakatayo sa tapat ng mini ref ko at umiinom ng tubig. Hindi agad nagprocess sa utak ko ang nakikita ko lalo ng humarap ito sakin. Napaawang ang labi ko ng makita ko ang gwapo nyang mukha plus the messy hair. I hardly swallowed when the movement of his Adam's Aple caught my attention. Bumaba ang tingin ko sa suot nyang tshirt ko na oversized sakin pero fitted pala sa kanya papunta sa Jersey short na hindi umabot sa tuhod nya. Napalunok ako ng mapansin ko ang umbok sa baba nya. Kelan pa ako nagkaron ng housemate na ganito kagwapo? Housemate? Unti-unti kong naalala ang mga nangyari kaninang madaling araw. "Oh my God! Oh my Papa Jesus!" Nanlalaki ang mga mata ko ng maalala ko ang lalakeng bumulagta sa harap ko habang umuulan. Unti-unti akong napaatras dahil nakatitig lang sya sakin. Tumingin ako sa paligid ko at nakita ko ang walis tambo, agad ko itong kinuha at itinutok sa kanya. "Wag kang magkakamaling lumapit sakin! Hahampasin kita nito!" Nakita ko ang bahagya nyang pagngisi. Shet! Ang gwapo! Ang hot! Napailing ako dahil sa naisip ko. "S-sino ka? Bakit ka nandito sa Aparment ko?" Tanong ko sa kanya habang nakatutok padin ang walis tambo sa kanya. "Aren't you the one who brought me inside your aparment?" Shet ulit! Pati boses ang gwapo! "Ako nga, hinila kita papasok dito sa loob!!" "What?? Hinila mo ako?" "Oo, ang bigat mo kaya. Struggle kaya ako sa pagbubuhat sayo." Sagot ko sa kanya. "Teka nga Mister, parang ikaw pa ang nagagalit kesa sakin ah. Tresspassing ka na nga dito sa property ko. Saka sino ka ba hah? Bakit bigla ka nalang sumulpot dito sa may apartment ko? Malay ko ba kung masamang tao ka pala eh di deds na ako?!" Nakita ko ang pagdilim ng kanyang mukha dahil sa mga tanong ko. Nakaramdam ako ng takot dahil sa pinakita nyang expression. "I'm Sky. I'm sorry for what happened last night. I'm not a bad guy." "Weh? Di nga?" Nakita ko ang pagtaas ng kanyang kilay. Napunta na naman ang mga mata ko sa may baba nya. Bakit kasi ganon ang umbok nun? Nakakadistract! Mukhang hindi lang yun siling labuyo ah. Mukhang Bell Pepper! Ibinaba ko na ang hawak kong walis tambo. Nakita ko din na wala na ang Biogesic saka ang tubig na nilagay ko sa table. "Ininom mo ba yung dalawang Biogesic?" Alangan kong tanong sa kanya. Tumango naman sya. Unti-unti na akong naglakad papalapit sa kanya, kelangan ko pang maghilamos saka magtoothbrush. Nakatingin lang sya sakin habang ginagawa ko ang mga yun. "Yung mga damit mo nakasampay sa may CR, basa pa yun for sure." "You changed my clothes last night?" Tanong nito. Obvious ba? Gusto ko sanang isagot. I just rolled my eyes when I remember the struggle Ive faced last night because of him. "Oo Mister kasi basang basa ka po ng ulan tapos nilalagnat ka na kaya no choice ako kundi palitan ka ng damit. Wala akong nakita promise! Wala talaga! Yung abs mo lang." Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng kanyang labi. Tinaasan ko naman sya ng kilay. "What's your name?" He asked. "Riley." "And you leave here alone?" He added. "Bakit mo tinatanong? Oo magisa lang ako dito pero kaclose ko mga kapitbahay ko. Kung may binabalak kang masama, isang sigaw ko lang susugod na sila dito." Banta ko sa kanya. "Kung may balak akong masama sayo dapat ginawa ko na habang mahimbing kang natutulog sa kwarto mo. You didn't even bother locking your room when a stranger is sleeping just outside." Natahimik ako sa sinabi nya, hindi ko nga nilock ang kwarto ko kagabi. "Wala kang balak na masama sakin Mister?" "Damn." Hala! Ang hot nyang magmura. "I'm not a bad guy, ok? I encountered some unfortunate event last night that led me infront of your door." "Eh bakit ka may sugat sa ulo? Napano yan?" Natahimik sya. Napahawak sya sa likod ng ulo nya. Nakita ko din ang mariin nyang pagpikit. "I was hit in the head." "Bakit? Nakipagaway ka ba kagabi tapos tumakbo ka? Tapos dito ka nagtago?" "You ask a lot of questions Lady." "Malamang, gusto ko pa ngang ienterrogate ka eh. Nandito ka sa teritoryo ko kaya magtatanong ako hangga't gusto ko." "I won't do anything harmful infact I'm beyond grateful with your help. You did a lot for me and I want to thank you for that." "Welcome. Pero sino ka ba talaga? Taga dito ka ba? O taga ibang lugar?" "I'm not from here. I visited a friend and everything went chaos for me." Tiningnan nya ang suot nya. "Pati pala boxer ko hinubad mo." That wasn't a question but rather a statement. Feeling ko nangamatis ang mukha ko dahil sa pagkapahiya. Tumikhim nalang ako para maalis kunwari ang nakabara sa lalamunan ko. "B-basa din kasi. Wag kang magisip ng kung ano ah. Wala naman ako nakita, tinakpan ko ng kumot yung katawan mo!" He chuckled. Shet! Ang hot talaga! "May I borrow your phone Lady? I need to contact someone." "Hah? Sino at bakit?" Nataranta kong tanong, baka hihingi sya ng resbak o kaya kasama para pagtulungan ako. "A friend. I need some clothes and some money too. I lost my phone and wallet." "Text lang kaya ng load ko. Hindi pa ako nakapagload eh." "That's fine." Inabot ko sa kanya ang phone ko saka sya nagtext sa kung sino mang reinforcement nya. Maya maya may tumawag sa phone ko. ?Yureta yuganda sekai ni dandan boku wa Sukitootte mienakunatte...? Hindi man lang nya tinapos yung ringtone pero nakita ko ang pagkunot ng noo nya nga marinig nya ang Japanese ringtone ko. Astig kaya. Hindi sya siguro nanunuod ng anime. "Bring me some clothes and cash. Yeah. I lost it. Bring me a new phone too. f**k You!" Napatingin ako sa kanya sa lutong ng mura nya. Pero bakit hindi panget pakinggan sa kanya. "Loadan mo din ang number na ito, gawin mong pang isang taon. Fucker. Bilisan mo nalang kumilos! Itext ko address. Make it quick dumbass!" Tiningnan nya ako. "Anong address mo?" "Hah? Bakit?" "My friend will come over to deliver me some stuff and I need your address now." "Apartment 2, Venus street. Sampaloc, Manila." Tiningnan lang nya ako ulit saka parang nagtipa sa phone ko. Ibinalik na nya saken ang phone ko ng saktong tumunog ulit to. "Shet! Si Phoebe nga pala!" "Kakaligo ko lang Phoebe! Eto na gumagalaw na! Sorry na! See you laterss!" Dali-dali akong pumasok sa banyo at hindi ko na pinansin ang lalakeng nakatayo at nakatingin saken. Binilisan ko ang pagligo saka nagmamadaling tinakbo ang banyo papunta sa kwarto ko. Nagsuot ako ng faded na high waisted skinny jeans, white crop top. Nagspray din ako ng favorite kong perfume na Versace Bright Crystal. Kumuha na din ako ng footsock na may print ni Ironman, nabili ko ito sa Iconic. Sinuklay ko na din ang mahaba kong buhok, hindi na ako makakapagblower dahil hapit na ako sa oras. Paglabas ko ng kwarto, naabutan ko ang lalake nakaupo sa sofa. Agad napunta ang tingin sakin at kitang-kita ko din ang pagkunot ng noo nya matapos nya akong tingnan mula ulo hanggang paa. "Where are you going?" Seryoso nyang tanong sakin. "May trabaho ako." Kinuha ko ang Chuck Taylor kong itim. Natuyo talaga ito gamit ang power ng blower ko. Napatingin ako sa kanya. s**t! Aalis ako. Pano itong Apartment ko? Iiwan ko sya dito? Baka nakawan nya ako! Pero hindi naman daw sya masamang tao so hindi din sya magnanakaw. "Aalis ako Mister-" "My name is Sky." "Ok. Aalis ako Sky at kelangan ko na talagang umalis. Sabi mo naman hindi ka masamang tao so malamang hindi ka din magnanakaw." Tumaas ang kilay nya sa sinabi ko. "Wala kadin namang mananakaw dito kasi wala akong cash at alahas, wala din akong mamahaling gadgets at appliances na mapapakinabangan." "San ka pupunta?" Natigilan ako sa paraan ng pagtanong nya. Parang ayaw nya ako umalis, ganon. "May gig ako saka may trabaho ako ng 10 pm." "Why that late?" "Singer kasi ako sa Auratistic Bar kaya gabi ang trabaho ko. Going back. Kung aalis ka na, pakilock nalang ng pinto saka ng gate. Sorry hindi ko natanong if gutom ka na-" "I'm fine. Nagtimpla ako ng coffee kanina saka kinain ko din yung noodles na nasa cabinet mo." "Good. Basta Sky, kapag aalis ka na, pakilock nalang ng pinto saka ng gate, baka may makapasok na naman eh." "I understand." Isinuot ko na ang sapatos ko at isinukbit ang bag. Tiningnan ko muna si Sky. Malamang paguwi ko mamaya wala na sya. Hindi na kami magkikita kahit kelan. Nagkasalubong ang aming mga tingin. Somehow I got drawn with his stare. I think he has Gray eyes. Those sexy Gray eyes. "Thank you for all your help, Riley." Napalunok ako sa pagbanggit nya sa pangalan ko. I nod in response. "No problem. Bast wag mong kalimutan ilock ang pinto at ang gate." At sana wag mo din akong kalimutan. "I won't forget." "Bye Sky. Take Care. Wag ng makipagaway! Babay!" Tumakbo na ako palabas ng pinto at ng gate kasi parang ang bigat ng pakiramdam ko. Nalulungkot ako na hindi ko na sya makikita. A part of me wanted to know him more. Gusto ko pa syang makakwentuhan kasi mukhang may sense syang kausap at ubod pa ng gwapo. Gusto ko pang makita at mahawakan ang malabato nyang abs. Pero hindi ko gustong makita ang Bell Pepper nya sa baba. Nilingon ko muna ang gate ng Apartment ko bago ko pinara ang padaan na Tricycle na Color Purple.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD