07

2768 Words
"On the way na po ako La! Wag po kayo mag-alala sakin, kayang kaya ko po ang byahe!" "Mag-iingat ka Apo, sinabihan ako ni Theo na kaskasera kang magmaneho!" Sagot naman ni Lola. "Naku La! Wag ka pong magpaniwala kay Theodore, sya po ang kaskasero porket madaming pambili ng kotse." Napakasumbungero mo talaga Theo, kokonyatan talaga kita pagbalik ko ng Manila. Dumaan din muna ako sa Colette's para bumili ng Buko Pie, favorite kasi ni Lola Roanna. Sila na ni Lolo Marco ang naging mga magulang ko since my parents both died in a fatal crash accident. Naaksidente sila sa kasagsagan ng bagyo noon, pauwi kasi papuntang Quezon ng abutan ng malakas na ulan saka madulas ang kalsada kaya ayun, naaksidente sila. Ever since that happened, hindi na ako pinabayaan ng Lolo at Lola ko and I'm so grateful to them for taking me under their shelter and responsibility. "Lolaaaaa!!! Lolooooo!!!" Hinagis ko nalang kung san ang dala kong backpack at maleta pagkapasok ko palang ng bahay. Agad naman nila akong sinalubong ng mainit na yakap at pugpog ng mga halik sa mukha. "Namiss ko po kayo ng sobra!" "Mas lalo pang gumanda ang apo ko ah." Sabi ni Lola na ikinangiti ko ng wagas. "La, matagal ng maganda ang apo nyo!" "Kumain ka na ba Mavi?" Tanong ni Lolo sakin, sya lang ang tumatawag ng Mavi saken, yun kasi nickname ko nung bata pa ako. "Lo, hindi na po ako bata, Maven na lang po." Kunwari ay naiinis ako pero naglalambing lang naman. "Kumain po ako sa Jobee kanina. Nga pala po, bumili ako ng Buko Pie." "Mabuti naman at hindi mo nakalimutan ang paborito ng Lola mo." Tumingin si Lolo kay Lola at nagngitian pa. Para silang mga teenagers kung umasta, kinikilig-kilig pa si Lola, hala sya, nagdadalaga? "Dalhin na natin ang mga gamit mo sa kwarto mo at nang makapagpahinga ka din." Ani Lola. Tiningnan ko ang kabuuan ng bahay namin dito sa Citta Grande, Lucena. Pinarenovate ko lang ang ibang parte since nung kumikita na ako at nakaluwag-luwag. Pinalagyan ko ng A/C saka nang flat screen Smart TV, yung malaki katulad ng nasa Apartment ko dati. Ayaw nila Lolo ng may second floor kasi mahihirapan daw sila sa pagakyat kaya ang ginawa ko ay pinaexpand ko nalang at pinalakihan ang bahay. I added 2 rooms saka isang room para sa studio ko. May mga gamit din kasi ako dito kapag hinaharap ko ang passion ko. Pumasok na kami sa kwarto ko at tulad padin ng dati ay napakalinis padin. "Hayyy namiss ko ang kama ko dito La!" Agad akong nagdive papunta sa kama ko. "Magbihis ka munang bata ka! Nasa damitan ang mga naiwan mong gamit dito. Kahit pa may aircon ang sasakyan mo nainitan ka pa din." "Opo La!" Agad akong bumangon. "La, magluto ka po ng dilaw na manok, namimiss ko na yun eh!" "Namalengke na kami ng Lolo mo kanina. Bumili din ako ng mga katang, alam ko namang hahanapin mo yun." "Yey! Da best ka po talaga Lola!!" After kong makapagpahinga lumabas ako ng bahay at pumunta sa may garden ni Lola. Meron syang mini-garden na puno ng mga halaman at mga bulaklak. Meron din kaming puno ng mangga, rambutan saka lipote. Paborito ko yung Lipote lalo na kapag madaming asin, para syang Cherry sa itsura pero mas yummy ang Lipote. Tinitingnan ko ang mga Orchids ni Lola nang magring ang phone ko at nakita kong si Theo ang tumatawag. "Brad, napatawag ka? Napasumbungero mo talaga kay Lola R, ikaw tong kaskasero tapos binabaliktad mo ako. Konyatan kita eh!" "Chill Ry, highblood ah! You ok? How's your Grandparents?" "They are perfectly fine lalo na at nandito ako. Magluluto pala si Lola ng Dilaw na manok saka may katang din kami mamayang dinner!" "Damn!" He sounded frustrated. "I want that! I'll go there right now!" "Picturan ko nalang tapos isend ko sayo ng maglaway ka! Hahaha!" "Hindi ako makakasunod sayo because I have some important meetings I need to attend. Damn! Wrong timing kasi ang pag-uwi mo." "Ako pa sinisi mo. Excited na tuloy akong magdinner!" "Stop that Ry! I'm drooling!" Tinawanan ko lang sya at mas lalo ko pa syang ininggit. That's my revenge! Hahaha! Dinner came and everything that Lola mentioned earlier were served in the dinner. Ang ginataang dilaw na manok, steamed katang at saka may luto din syang pinakbet. At ang una kong ginawa ay pinicturan ang mga ulam namin at syempre sinend ko kay Theo. Mamatay sya sa paglalaway at inggit. "Huwow!!! Lola! Nasa heaven na yata ako, ang sasarap ng mga pagkain!" I exclaimed. "Kumain na tayo, tigilan mo na yang kakapicture mo sa mga pagkain." Saway ni Lolo. "Sinesend ko kay Theo Lo, iniinggit ko po kasi sya." "Ay teka lang, kunan ko din ng litrato at isesend ko din kay Theodore." Nagapir pa kami ni Lolo, napailing nalang si Lola. Inenjoy ko talaga ang nakahandang pagkain namin ng gabing iyon, nakailang tawag din sakin si Theo dahil sa mga pictures na sinesend namin ni Lolo. Tuwang tuwa kami ni Lolo dahil inggit na inggit ang ungas. That's victory for me. Mamatay sya sa paglalaway at inggit. At dahil masarap ang hapunan, napasarap din ang tulog ko kinagabiha. Bukod sa tahimik at payapa ang kapiligiran ay meron akong peace of mind. I don't need to think and worry of anything. Susulitin ko talaga ang bakasyon na to. "Magbebeach ako!" Napabangon ako bigla dahil sa idea na naisip ko. Yureta yuganda sekai ni dandan boku wa Sukitootte mienakunatte... Mitsukenai de, boku no koto wo. Mitsumenaide. Dare ka ga kaita sekai no naka de Anata wo kizutsuketaku wa nai yo. Oboete te boku no koto wo.. Ilang beses ko ng kinansel ang ringtone ng phone ko dahil gustong-gusto ko pang matulog. Bakasyon ko kaya bakit hindi ako tinatantanan ng mga istorbo sa buhay. "Amp! Natutulog pa yung tao eh." Pahirapan ko pang inabot ang phone ko saka tiningnan kung sino mang kutonglupa ang nangiistorbo sa paghihimlay ko. Kumunot ang noo ko ng makita ko ang pangalan ni Phoebe. "I'm on a vacation Phoebe baka nakakalimutan mo." "Me too Riley, just wanna ask if you want to join me, magbebeach ako eh." "Bakit nasan ka ba? San ka nagbakasyon?" "Nandito ako sa Probinsya ni Mama, hindi ako natuloy sa North kaya nagSouth ako, and guess what? Magkalapit lang tayo! I'm here at Mauban! Punta tayo sa Cagbalete!" "Huh? Cagbalete?" Hindi agad nagsink in sakin ang sinabi ni Phoebe, mas pinansin ko pa ang sinabi nyang Cagbalete. Ang alam ko ay maganda ang dagat dun dahil sa sandbar. Agad akong napabangon at nag-isip ng mabuti. "Sama ako Phoebs! Gusto kong magdagat!" "Susunduon nalang kita dyan sa inyo. Bibisitahin ko sila Lolo at Lola mo." "Wag mong kakalimutang magdala ng pasalubong." "Whatever." Tuwang-tuwa naman si Lola R ng makita nya ang pagmumukha ni Phoebe. Mas happing happy ang gaga kasi feel na feel nya ang mga papuri ni Lola, akala mo naman totoo. Agad nya akong tinulungan na mag-empake ng mga gamit ko kasi dadalhin din daw nya ako sa Ancestral house nila. "Maganda talaga dun sa Cagbalete?" Tanong ko sa kanya. "Oo naman, matutuwa ka sa sand bar kapag low tide." "Sino pang kasama natin pupunta dun?" "Ako saka yung dalawa kong pinsan. Si Damon at Claire." "Ah okies. G! Excited na ako, iniisip ko pa naman na gusto ko din magbeach habang nandito ako sa Quezon. Punta din kaya tayong Baler Phoebs?" "Baler? Hmn. Pwede din, sulitin natin ang bakasyon na ibinigay ni Vaughn. Balik kadin dito agad kasi alam kong gusto mong makasama ang Lolo at Lola mo." "Oo naman, susulitin kong kasama sila." "Wag na natin banggitin kay Theo ang escapade natin. Hayaan natin syang mainggit. One of the cons of being a CEO, hindi makagala." "That's a brilliant idea Phoebs. Sendan nalang nating mga pictures si Theodore." Nagapir pa kaming dalawa dahil sa idea. Nagkakasundo talaga kami pagdating kay Theo. Ang sarap kasing ibully palibhasa gawain nya eh. "Opo La, Lo, tatawag po ako ng madalas saka uuwi din po ako agad." "Oh sya, Phoebe ikaw na ang bahala dito sa apo ko." "Opo Lola, ako po talagang bahala dito sa alaga ko tapos ako din po ang kawawa." Tiningnan ko ng masama si Phoebe dahil sa sinabi nya. Nginisian lang nya ako. Sasakyan na ni Phoebe ang ginamit namin papunta sa Hometown nya. Isa itong Chevrolet Trailblazer in White. Habang nasa byahe kami nagsearch ako sa Google ng about sa Cagbalete. Maganda nga ang dagat dun. And upon scrolling I was halted when I saw an article about the place. Nanlalaki ang mga mata kong tumingin kay Phoebe. "Bakit parang nakakita ka ng masamang balita dyan? May blind item ka ba?" "Tangna Phoebs! Sa Mauban ang Cagbalete diba?!!" "Yeah, I told you that when I called you. Yan hometown ng Mama ko eh." "Sinabi mo ba talaga sakin yun hah? Sure ka ba? Bakit mo ako pinasama?" "What's the fuss? As if namang magkikita kayo sa Mauban? San ba tayo pupunta? Magbebeach lang tayo tapos sa bahay na tayo." "Wala naman fiesta sa inyo diba o kaya Party-Party, ganern diba?" "What are the odds of meeting him in a small town like Mauban? It's 50-50, I guess?!" "Phoebeeeeeeee!!!" Halos gumewang ang sasakyan namin dahil sa paghila ko sa braso ni Phoebe. Sangkatutak na mura ang naging palitan namin sa isa't- isa. Nakarating na kami sa Mauban and then dumiretso na kami sa Ancestral House nila Phoebe. I marveled the majestic exterior of the house. No doubt it was called Ancestral, para akong nasa lumang panahon ng mga ninuno ko dahil sa itsura ng bahay. The house was made of stone and wood. "Ma!!!! Andito na po kami!!! Sigaw ni Phoebe. Isang maganda at matangkad na ginang ang lumabas mula sa isang silid. Agad nyang niyakap si Phoebs, lumapit din ako para magmano. Ngayon ko lang nakita in person ang mama ni Phoebs, puro kasi sa Video Call ko lang sya nakikita dati. "Sa wakas Riley, in the flesh, nagkita din tayo!" Bati sakin ni Tita Pamela. "Oo nga po Tita, live na po tayo ngayon!" "Nga pala, mabuti at dumating kayo ngayon. Dumating ang Tito Fritz mo Phoebe, may mga bisita sya mamaya kaya maghahanda tayo." "Eh aalis po kami nila Damon, pupunta kaming Cagbalete." Sabi ni Phoebe. "Ipagpabukas nyo nalang, nakausap ko na si Damon saka Claire." Napatingin sakin si Phoebe with her apologetic look. Ngumiti lang naman ako kasi ok lang naman. Saka handaan yun eh, hindi ko din papalampasin. Naging punong abala nga kami kinahapunan dahil sa mga pagkain na niluluto, tumulong na din kami Phoebe dahil parang pang fiesta ang mga handa. May nakita din akong nileletchong baboy sa may bakuran nila Phoebe. Mukhang may importanteng bisita silang darating. Hindi ko maalala kung naikwento na ba sakin ni Phoebe yung Tito Fritz nya, itanong ko na nga lang sa kanya kung gano sya kaimportante. "He's Business Man. Tito Fritz is a successful Business Man. He went to New York last month to attend some Business Conferences. Hindi naman talaga sya dito dapat magsstay pero mukhang napilit na dumito muna sya." Paliwanag ni Phoebe. "Grabe naman pala pamilya mo Phoebs tapos rumaraket raket ka lang sa Manila dati. Pwede ka naman palang magbuhay prinsesa." Inismiran lang ako ni Phoebe. "Buhay reyna na ako ngayon noh. Thanks to you." Nginisian ko lang sya. Ang laki kasi talaga ng utang na loob ko kay Phoebs lalong lalo na sa career ko. Hindi nya ako pinabayaan kahit kelan at hindi nya ako sinukuan kahit pa ang dami kong struggles sa buhay. Mabuti nalang pala at nagdala padin ako ng flat sandals kundi nakasneakers lang ako at slippers, binigyan ako ni Phoebs ng isa nyang dress na unused para isuot ko. Magkabody size namin kami ni Phoebs yun nga lang mas lamang sya sa boobs. May boobs din naman ako pero hindi sya ganon kalaki. It's a nude dress na paribbon sa side, hindi ito aabot sa tuhod ko. Saktong sakto nga ang sukat sakin ng dress. Nagapply lang ako ng liptint saka powder para hindi mukhang oily ang face ko. Kinatok ako ni Phoebe dahil dumating na daw ang Tito Fritz nya kasama ang ilang mga bisita. I'm used to socialize with people because I belong in an industry where in I need to meet different kinds of people. They were stunned when they saw me with Phoebe. Literal silang napanganga. "Oh my God! She's Riley Sta. Maria!!" "Oh my God! I'm a fan!!" "Pa-autograph later Ms.Riley!" I plastered a wide smile when they held my hand. Nakipagshakehands din sila sakin. Nakangiti din sakin ang Tito Fritz ni Phoebe ng makita ako. He look handsome despite of his age. He has this authoritative aura and I can feel a positive aura that radiates from him. "Wow! Look who's here, the beautiful and famous Ms. Riley Sta. Maria. Nice meeting you in person." Bati nya sakin. "Thank you Sir for having me here. Sinama lang po ako ni Phoebe." Sagot ko naman. "Sakto po pala ang timing ng pag-uwi mo Tito. Magbebeach dapat kami ni Riley ngayon eh." Sagot ni Phoebs. "Good thing you cancelled it." "Yes po Tito, may pahandaan ka daw po kasi." He chuckled with what Phoebe said. Natawa na din ako. "Can I ask you for a favor tho. Can you sing for me?" Napakamot pa sya sa kanyang batok dahil sa hiya. "Yes po sir. Any song request po?" "This may be old but I love this song." Nakangiti nyang ibinulong sakin ang kanta. "Sure po Sir." Binigyan ako ng mic ni Phoebe na hindi ko alam kung san nya nakuha. Nakangiti naman ang mga bisita nang makita ako, binigyan pa ako ng stool ni Damon na hindi ko din alam kung san nya nahila at nakita kong may dala din syang gitara. Nginisian lang nya ako. I mouthed Thank you. Mukhang acoustic night kami ngayon. A round of applause welcomed me before Damon and I started performing. I didn't know that he can play the guitar, buti nalang alam din nya ang melody ng kanta. Paborito daw kasi talaga ng Tito Fritz nila. Damon strum the guitar flawlessly and then I started singing. Tonight I celebrate my love for you It seems the natural thing to do Tonight no one's gonna find us We'll leave the world behind us When I make love to you Tonight I celebrate my love for you And hope that deep inside you'll feel it, too Tonight our spirits will be climbing To a sky filled up with diamonds When I make love to you, tonight Tonight I celebrate my love for you Lahat sila ay nakatingin sakin. Kitang-kitang ko sa mukha ni Tito Fritz ang kasiyahan. Nasa kalagitnaan na ako ng kanta when a familiar man entered the door. "Nandito na si Mayor!!" Lahat ay napalingon sa lalakeng dumating. I felt like my whole world stopped spinning when I saw the man that entered. He is wearing a white round neck shirt with a superman print, a faded jeans and a white Nike shoes. He plastered a genuine smile when the people approached him. Nakipagkamayan si Tito Fritz sa kanya at mukha naman syang masayang-masaya. And that midnight sun is gonna come shining through Kitang-kita ko kung pano nadivert ang paningin nya sakin ng marinig ang boses ko. He looked stunned when he saw me. Ganyan din reaction ko so patas lang tayo. Nakita ko din ang pagkatulala ni Phoebe sa kanya. Gustuhin ko man tumakbo palayo ay hindi ko magawa. Nakakahiya kung gagawa ako ng eksena dito. What are the odds of bumping him in this small town? The answer is f*****g 100 %. There he goes, standing right infront of me. Looking so perfectly handsome in his Superman shirt. Tonight there'll be no distance between us What I want most to do, is to get close to you Tonight Tonight I celebrate my love for you And soon this old world will seem brand new Tonight we will both discover how friends turn into lovers When I make love to you Tonight I celebrate my love for you And that midnight sun is gonna come shining through Tonight there'll be no distance between us What I want most to do, is to get close to you Tonight I celebrate my love for you Tonight Natapos ang pagkanta kong magkahinang ang mga mata namin. He froze on his place while staring at me intently ignoring the people around him. *** Song used: Tonight I Celebrate My Love- Peabo Bryson, Roberta Flock
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD