Kanina lamang ay napaka ganda pa ng panahon. Mataas ang sikat ng araw pero sinong mag aakalang magba-bago ito, at ngayon nga'y umuulan na. Climate change huh? Pero hindi lang naman klima ang nagba-bago. Maging ang tao mismo. Kaya dapat lang na hindi na 'ko mag taka kung magkaroon ng pagba-bago ng biglaan. Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi malungkot. I hate rain, I hate it a lot. Pakiramdam ko sobrang lungkot ko kapag naulan. Ang paligid, parang walang ka buhay buhay.
Napa tingin nalang ako sa labas ng bintana ng classroom namin. Doon makikita ang mga puno na napapatakan ng ulan. Ang mga ibon na nagtatago sa mga puno para may pananggalang sila sa ulan. Gumagawa sila ng butas doon para gawing bahay.
Maingay ang patak ng ulan. Panay ang lagaslas nito sa bubong. I sighed.
Tuloy tuloy pa rin ang pagtu-turo ng aming professor. Kahit naman okupado ng ulan ang aking isip ay nakikinig pa rin ako.
What's wrong with the rain? Ice?
Tanong ko sa aking sarili.
Ano nga bang problema ko sa ulan? Siguro dahil sa tuwing umuulan lagi akong walang dalang payong. Takot akong mabasa. Pero hindi rin, siguro ganito lang talaga ang pakiramdam ko. Hindi lang naman siguro ako ang ganito ang nararamdaman kapag umuulan.
Bakit nakaka-lungkot?
Rogue Point Of View
SAMANTALA..
Abala ang lahat ng tao sa palasyo para sa ga-ganaping pag diriwang ng mga maharlika. Dahil roon ako na naman ang naatasan ng mahal kong amang hari na asikasuhin ang pagsa-sagawa ng preparasyon. Balak ko sanang bumisita sa school na ako mismo ang humahawak, ang Luciferian Academy. Kaya lang masyado akong abala. Bahala na muna si River at Rome umasikaso roon.
"Mahal na Prinsipe, dumating na po ang mga gagamitin pang dekorasyon na mula pa sa tsina." Untag ng taga-pangasiwa ng palasyo. Bumaling ako sa kaniya. Ramdam ko ang pangamba at takot nito sa'kin. Kahit na kung tutuusin ay ako pa ang pinaka mabait na anak ng hari at Reyna.
Pero hindi ko siya masisi. Nang lumaki ako at nag kaisip ilang illegal na gawain na ang aking hinawakan dahil sa Mafia. To support my younger brother, River. I eliminated all the hindrances to keep him safe and became the most powerful Mafia Boss. Same with our cousin and uncle. We move without notice from them. Pero alam ko ring ginagawa ni River ang lahat para sa reputasyon ng aming pamilya. He's a prodigy after all.
Sumunod na 'ko palabas ng lumabas ang taga-pangasiwa.
Natigilan lamang ako sa pag baba ng hagdan nang makita ko sa malaking bintana ang biglaang pag buhos ng ulan. Kani-kanina lamang ay napaka-init ng panahon. Pero iba na ngayon. May kung ano sa'king pakiramdam na ayaw sa ulan. Nakaramdam ako ng kakaibang lungkot. Hindi ko alam kung bakit.
Dumiretso na 'ko pababa at nag tungo sa warehouse. Para i-check ang sinabi nitong dekorasyon. Maayos naman at maganda ang kalidad. Kahit sa tsina pa iyon binili.
At Harvard University..
Charice Point Of View
Lunch time is coming. Kaya excited nang lumabas ang mga kaklase ko. Napangiti ako nang makita si Candice at Harriett na kuma-kaway sa'kin mula sa labas ng pinto. I smiled at them. At hinintay ang anunsyo na maari na kaming lumabas.
"Class dismissed. Enjoy your lunch. Be back at exactly 1pm." saad ng guro namin. We nodded in unison. Nag unahang lumabas ang ilan. Nag pahuli na 'ko. Sinalubong ako ng yakap at halik ng aking mga kaibigan sa modeling world. Since I enter the modeling industry sila na ang kasa-kasama ko. We enjoy each other's company dahil sa pagka-katulad ng aming ilang ugali at gawi.
"Let's go! I'm so hungry." Reklamo ni Candice. Kahit kailan talaga PG ang kaibigan ko. Swerte nga lang niya at hindi siya nataba.
"Can't you wait? C'mon.." Saway ni Harriett. Napa-simangot si Candice dahil doon. Harriett is matured. Sa aming tatlo siya ang tuma-tayong ate. Siya rin ang madalas nagde-desisyon. Wala namang kaso sa'kin yun dahil tama ang nagiging desisyon niya bilang aming kaibigan. Iniisip niya rin kasi ang higit na mas nakaka-buti sa amin.
Nag tungo na kami sa cafeteria ng school. Malaki iyon kumpara sa ordinaryong eskwelahan. Pum'westo kami sa paborito naming spot sa loob ng French Restaurant. Doon namin higit na gustong kumain. Bukod sa maganda ang ambiance ay kitang kita lahat ng nasa labas. Saktong nasa loob kami nang bumuhos na naman ang ulan. Mabuti nalang dahil nasa loob ako nito.
"Hey! Ice! Kelan daw ang meeting niyo sa UNI? Gosh! Sobrang swerte mo dahil ikaw ang nakuhang candidate doon. Katatapos lang ng kontrata mo sa Ford hindi ba? Saka pagka-tapos noon hindi ba ikaw rin ang ife-feature sa sikat na TV drama? So lucky!" Tumitiling sambit ni Candice. Napangiti ako hindi dahil sa sinabi niya kundi sa kasiglahan niya. Ibang iba si Candice kapag nasa harap ng camera. Kabaligtaran ito ng Candice na maligalig at naka-kasama namin ngayon.
"Pag iisipan ko pa. Its a big project, you know. Harriett, sa tingin mo? Susubukan ko ba?" Nagtaas ng tingin si Harriett sa amin, ka sabay ng pag dating ng mga inorder naming pag kain. She smiled genuinely.
"You should. It's a big opportunity para mas kilalanin ka sa modeling industry. Jackpot na iyon, Ice. At ang opportunity ay isang beses lang sa isang taon. Huwag mong palampasin. Don't worry, our support is all yours." aniya, na-motivate ako sa sinabi niya. Walang duda, kapag talaga siya na ang nags alita ay nawawala ang pagda-dalawang isip ko.
Candice Swane, 5'6 ang height may waist na 26. Morena, may almond blue eyes. She look like a barbie, hanggang balikat ang golden hair. 18 years of existence.
Harriett Hale, 5'6 ang height, 25 ang waist line. Maputi, may black na black na mata. She look like a Goddess of Night. Hanggang bewang ang straight na buhok, 18 years of existence.
"Sigurado ka?" Tanong ko. Tumango siya at sumimsim sa inorder na lemon juice. Nagsimula na kaming kumain. Tinawagan ko na ang manager ko, para sabihing tanggapin ang alok ng Uni. At ipaalam agad sa'kin kung kailan ang appointment roon.
Pagka-tapos naming kumain bumalik na kami sa kaniya-kaniya naming classroom. At nag hintay matapos ang mga sumunod na klase para makauwi na. Wala ako sa mood mag aral ngayon, iba talaga ang epekto sa'kin ng ulan. Parang nakaka-panghina.
Sakay ng honda civic, nag paalam na ako sa mga kaibigan ko. We drove our own car. Kaya hindi kami sabay sabay. Saka isa pa, magka-kalayo ang tinu-tuluyan namin.