Pilit kong kinukuha ang aking phone na nag end call dahil sa pagkakabagsak nito. Agad kong tinawagan si Manang Elsa at sinabing naglelabor na ko. "Manang, nag l-lelabor na yata ako."hirap na hirap kong saad. Ibinaba ko na ulit ang aking phone at pilit gumagawa ng paraan para maibsan ang sakit. Nagpatuwad tuwad ako sa kama sa tuwing nakirot ito. Naabutan ako ni Manang Elsa roon kasama ang ilang bodyguard. "Ma'am, itinawag na namin kayo sa inyong OB. Kaya lang sobrang lakas talaga ng Bagyo ngayon. Malabo siyang makapunta. Magtatagal pa ng ilang araw ang bagyo. Kaya iopen niyo daw po ang inyong messenger to make her updated. Kung sakaling hindi na talaga kaya dahil naglelabor na kayo. Ako nalang po ang mag papaanak. Susundin ko nalang po ang ituturo ni Doctora Castillo."aniya sa mababang bo

