HBS 4 Dirty Nagpatuloy ang ganu'ng pagkilos niya. Hatid-sundo na din niya ako sa klase. Kapag uwian ay dadalhin niya muna ako sa kung saang lugar hanggang sa abutin kami ng alas sais ng gabi. Pagkatapos naman nu'n ay ihahatid niya ako sa boarding house—hihintayin saka muling ihahatid sa bar. Halos araw-araw na kaming magkasama at ang paraan ng pagkilos niya ay tila nag-iba na. Kilos ng isang lalakeng nanliligaw sa babaeng gusto niya. Pero ayokong magtanong, hindi dahil sa natatakot ako. Ayoko lamang mapahiya sa kaniya pati na rin sa sarili ko. Ayokong mapabilang sa mga babaeng nasasaktan dahil sa pagka-assuming nila. Ayokong bigyan ng kahulugan. Ngunit naguguluhan ako dahil sa mabilis na pangyayari. Parang noon lang ay galit na galit ako sa kaniya tapos ngayon naman ay nag-iba

