IN LOVE ROSE Chace and I were walking through the pathway in between the tall grocery shelves nang grocery store pinuntahan namin. Kaming dalawa ang naatasan ng kanyang mommy na mamili ng ilang importanteng rekado para sa handa sa noche Buena bukas. Meron naman na roon sa kanilang bahay, nagkataon lang na nagkulang sa mga iyon kaya kinailangan naming lumabas at mag- drive patungo sa pinakamalapit na store. Madali lang naman makapunta rito. Gamit namin ang kanilang kotse at fifteen minutes travel lang papunta rito. Problema lang talaga ay masyado nang packed sa grocery dahil marami ring bumibili. Nakita ko pa iyong pila sa cashier kanina. Feeling ko ay doon kami pinakamagtatagal. Hawak ko ang listahan ng kailangan naming mga bilhin habang siya ay nagtutulak sa cart. Marami na kami

