COME HOME One year and seven months later... ROSE "So, hindi ka talaga uuwi ng pasko? Pangalawang pasko na ito na nasa malayo ka, Rose. Miss na miss ka na namin rito!" Bumuntong hininga ako matapos sabihin ni Jelly sa akin ang bagay na iyon. Oo, magda- dalawang pasko nang hindi ako makakauwi at makakapag- celebrate sa Pilipinas. Gustuhin ko man kasing umuwi ay hindi rin naman kakayanin ng budget ko. Kahit naman kasi malaki- laki rin ang naipon ko dahil sa kaliwa't kanang part time job ko rito at minsanang pagmo- modelo ay hindi ko pa rin maatim na gamitin iyon para lang pamasahe sa aking pag- uwi. Mahigit isang libong dolyar rin ang isang ticket pauwi doon, swerte na lamang kung may promo. Sayang naman kung doon lang magagamit. Mas maigi pang ipadala ko na lamang kina ina at

