I'M SORRY ROSE Hindi ako makapagsalita. Nanginginig ang mga braso ko at para bang sumisikip ang dibdib ko. Ang malaman ang isang bagay na tulad noon ay hindi ko napaghandaan. Sa lahat ng mga posibleng maging problema namin, isa iyon sa mga hindi ko naisip. P- paano ko maiisip yon? Sino pa ba sa panahon ngayon ang naniniwala sa arranged marriage, much more kung isang twenty eight years old na CEO ng isang multi- national company ang sangkot doon? Pero hindi lang yan ang iniisip ko. Habang nagsi- sink in sa akin ang katotohanang engaged to be married na pala sa ibang babae ang 'fiancé' ko, isang bagay pa ang gumugulo sa akin. Bakit ngayon? Bakit ngayon pa kung kailan engaged na kami saka naisip ng lolo niyang ipakasal siya sa iba? Hindi ba sobrang coincidence naman niyon? O talaga bang

